“Ialok ang Mas Lumang Magasin o Anumang Brosyur na Kukuha ng Interes ng Tao”
Noong mga buwang nag-aalok tayo ng aklat na Itinuturo ng Bibliya at nagsisikap na makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw, hinihimok tayo na “ialok ang mas lumang magasin o anumang brosyur na kukuha ng interes ng tao” kung ang may-bahay ay may aklat na at ayaw makipag-aral. Bakit?
Tinatalakay ng mga brosyur at mas lumang mga magasin ang iba’t ibang napapanahong paksa. Marahil may isang artikulo sa mga publikasyong iyon ang makaaantig sa puso ng may-bahay. Kaya kapag inaayos mo ang iyong preaching bag, maglagay ng iba’t ibang brosyur at mas lumang mga magasin. Kung wala kang mas lumang mga magasin, baka may makuha ka sa inyong kongregasyon. Kung ang may-bahay ay mayroon nang aklat na Itinuturo ng Bibliya at ayaw makipag-aral, maaari mong ipakita sa kaniya ang ilan sa mga magasin o brosyur na dala mo at sabihin sa kaniya na kumuha ng gusto niyang basahin. Pagkatapos, isaayos na bumalik upang linangin ang kaniyang interes. Baka sa dakong huli ay pumayag din siyang mag-aral ng Bibliya.