Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/12 p. 2-3
  • Tulungan ang mga Tao na Makinig sa Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan ang mga Tao na Makinig sa Diyos
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Gagamitin ang Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Paggamit ng mga Brochure sa Pagpapasimula ng mga Pag-aaral
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Gamitin ang mga Brochure Upang Ibahagi ang Inyong Pag-asa sa Kaharian
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kung Paano Gagamitin ang Magandang Balita Mula sa Diyos!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
km 7/12 p. 2-3

Tulungan ang mga Tao na Makinig sa Diyos

1. Anu-anong brosyur ang inilabas sa ‘Dumating Nawa ang Kaharian ng Diyos’! na Pandistritong Kombensiyon, at bakit kapaki-pakinabang ang mga ito?

1 Sa ‘Dumating Nawa ang Kaharian ng Diyos’! na Pandistritong Kombensiyon, dalawang bagong brosyur ang inilabas, ang Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman at ang pinasimpleng bersiyon na Listen to God. Dahil kaunti lamang ang mga salita rito, mabilis at madali itong maisasalin. Sa katunayan, noong ilabas ang Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman sa wikang Ingles, inaprobahan nang isalin ito sa 431 wika.

2. Sinu-sino ang makikinabang sa mga brosyur na ito?

2 Sinu-sino lalo na ang makikinabang sa mga brosyur na ito? Isaalang-alang ang sumusunod na mga sitwasyon na madalas mangyari sa buong daigdig:

• Isang mamamahayag na nakikipag-usap sa may-bahay, sa unang pagdalaw o sa pagdalaw-muli, at napansin niyang hindi ito marunong bumasa at sumulat o kaya’y nahihirapang bumasa.

• Isang mamamahayag na nangangaral sa mga tao na nagsasalita ng wika na iilang publikasyon lang ang naisalin natin sa wikang iyon o baka wala pa nga. O ang karamihan sa teritoryo ay hindi makabasa sa wika na sinasalita nila.

• Isang mamamahayag na nangangaral sa mga bingi sa kaniyang teritoryo gamit ang sign language.

• Isang magulang na gustong magturo ng katotohanan sa kaniyang maliit na anak na hindi pa marunong bumasa.

3. Ano ang pagkakaayos ng nilalaman ng Listen to God?

3 Ang Pagkakaayos ng Nilalaman Nito: Kakaunti lang ang salita sa Listen to God—karaniwan nang isang simpleng pangungusap at teksto sa Bibliya na nagtatampok ng pangunahing mga punto na nasa ibaba ng bawat pahina. Bakit? Halimbawa, may nag-alok sa iyo ng isang brosyur sa wikang hindi mo alam at hindi mo mabasa. Magkakainteres ka kaya rito, kahit na may magaganda itong ilustrasyon? Malamang na hindi. Sa katulad na paraan, inaayawan ng mga taong hindi makabasa ang mga publikasyong may nakasulat. Dahil dito, makikita sa bawat pahina ang pinag-isipang mabuti na mga ilustrasyon na may mga arrow bilang giya sa sunud-sunod na pagtalakay sa mga ilustrasyon.

4. Ano ang pagkakadisenyo sa Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman?

4 Ang mga ilustrasyon sa Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman ay katulad ng sa Listen to God. Dinisenyo ito para gamitin sa pag-aaral sa mga may limitadong kakayahan sa pagbasa o nag-aaral bumasa. Maaari ding gamitin ang brosyur na ito bilang kopya ng nagtuturo sa isang estudyante na gumagamit ng brosyur na Listen to God. Sa gawing itaas sa kaliwa ng bawat dalawang-pahinang aralin ay may tanong na sasagutin sa mga pahinang iyon. Kasama sa mga ilustrasyon ang mga komento at teksto. Sa ibabang sulok ng karamihan sa mga pahina ay may kahon ng karagdagang mga punto at teksto na maaaring talakayin, depende sa kakayahan ng estudyante.

5. Kailan at paano natin iaalok ang mga brosyur na ito?

5 Kung Paano Gagamitin ang mga Ito: Maaari mong ialok ang alinman sa mga brosyur na ito sa bahay-bahay kung iniisip mong kapaki-pakinabang ito kahit hindi mga brosyur ang alok sa buwang iyon. (Tingnan ang kahon na “Kung Paano Maiaalok ang mga Ito.”) Sa pagdalaw-muli, maaari mong ipakita ang brosyur sa taong interesado at iabot ito sa kaniya.

6. Paano natin gagawin ang pag-aaral sa Bibliya gamit ang mga brosyur na ito?

6 Yamang ang Listen to God ay walang nakaimprentang mga tanong, ang pagtalakay rito ay hindi tanong-at-sagot na gaya ng karaniwang ginagawa sa pag-aaral sa aklat na Itinuturo ng Bibliya. Gusto ng mga tao sa lahat ng kultura na makinig ng mga kuwento. Kaya gamitin ang mga ilustrasyon para ikuwento ang kinasihang mga ulat na nakasulat sa Bibliya. Ipaliwanag ang mga ilustrasyon. Maging masigla. Tanungin ang estudyante kung ano ang nakikita niya. Basahin ang mga teksto sa ibaba ng pahina, at ipaliwanag ito. Magbangon ng mga tanong para isama siya sa pag-uusap at matiyak na nauunawaan niya ito. Kung gamit niya ang Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, basahing magkasama ang pangungusap at mga teksto kapag tinatalakay ang bawat ilustrasyon.

7. Paano natin matutulungang sumulong ang ating estudyante sa Bibliya?

7 Tulungang Sumulong ang Estudyante: Sa inyong pag-aaral, mahikayat sana ang iyong estudyante na matutong bumasa para makakuha siya ng kaalaman tungkol kay Jehova sa ganang sarili. (Mat. 5:3; Juan 17:3) Kaya kung ang pag-aaral ninyo ay sa Listen to God, kapag inaakala mong handa na ang estudyante, maaari mo siyang turuang bumasa, at maaari mo nang ilipat ang pag-aaral sa Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman. Anumang brosyur ang gamitin mo, hindi pa magiging handa para sa bautismo ang estudyante kapag natapos na ninyong pag-aralan ang brosyur. Dapat mong ilipat ang pag-aaral sa aklat na Itinuturo ng Bibliya o sa iba pang angkop na publikasyon na magbibigay sa kaniya ng higit pang pagkaunawa sa Bibliya.

8. Bakit ka makapagpapasalamat sa bagong mga publikasyong ito na magagamit sa ministeryo?

8 Ang mga tao ay dapat makinig sa Soberano ng uniberso upang mabuhay magpakailanman. (Isa. 55:3) At kalooban ni Jehova na “lahat ng uri ng mga tao,” pati na ang mga hindi marunong bumasa, ay matutong makinig sa kaniya. (1 Tim. 2:3, 4) Kaylaki ng ating pasasalamat sa bagong mga publikasyong ito na magagamit natin para turuan ang mga tao na makinig sa Diyos!

[Kahon sa pahina 3]

Kung Paano Maiaalok ang mga Ito

Ipakita sa may-bahay ang pahina 2-3, at sabihin: “Gusto mo bang mabuhay sa isang daigdig na gaya nito? [Hayaang sumagot.] Nangangako ang Bibliya [o, nangangako ang banal na aklat na ito] na ang daigdig ay malapit nang gawin ng Diyos na isang maganda at mapayapang lugar na wala nang mahirap o maysakit. Pansinin kung ano ang dapat nating gawin para makapamuhay roon. [Basahin ang Isaias 55:3, sa gawing itaas ng pahina 3.] Sinasabi nito sa atin na lumapit tayo sa Diyos at ‘makinig’ sa kaniya. Pero paano tayo makikinig sa Diyos?” Buksan ang pahina 4-5, at talakayin ang sagot sa kaniya. Kung wala siyang panahon, iwan sa kaniya ang brosyur at sabihing babalik ka at pag-uusapan ninyo ang sagot.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share