“Mga Mungkahi sa Pag-aalok ng mga Magasin sa . . .”
Buwan-buwan, may isang bahagi sa Pulong sa Paglilingkod tungkol sa pag-aalok ng mga magasin. Ang layunin nito ay hindi para repasuhin ang nilalaman ng mga magasin. Dinisenyo ito para mapag-usapan ang mga ideya sa pag-aalok ng mga magasin. Kaya gaya ng tagubilin, magbibigay ang may bahagi ng napakaikling introduksyon para panabikin ang mga tagapakinig sa paggamit ng mga magasin. Pagkatapos, hihingi siya ng mga mungkahi hinggil sa ilang artikulo (o serye), pero isa-isa niyang isasaalang-alang ang mga ito para makasunod ang lahat at maisulat ang mga mungkahing gusto nilang gamitin. Sa halip na anyayahan ang mga tagapakinig na magbigay ng buong presentasyon, hilingan silang magmungkahi ng mga tanong na makapupukaw ng interes sa teritoryo. Pagkatapos, tanungin sila kung anong teksto ang puwedeng ipabasa. Bago magtapos, ipatanghal kung paano maiaalok ang bawat magasin. Pinasisigla tayong basahin patiuna ang mga magasin at maghanda sa pagbibigay ng mga mungkahi. Kung maghahandang mabuti ang lahat, tutulong ang bahaging ito para ‘mapatalas natin ang mukha ng isa’t isa.’—Kaw. 27:17.