Ang Ating Opisyal na Web Site—Dinisenyo Para Makinabang Tayo at ang Iba
Inutusan tayo ni Jesus na ipangaral ang mabuting balita ng Kaharian “sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa.” (Mat. 24:14) Para tulungan tayo na ‘lubusang ganapin ang ating ministeryo,’ ang watchtower.org, jw-media.org, at jw.org ay pinagsama-sama sa binagong Web site na jw.org.—2 Tim. 4:5.
“Sa Buong Tinatahanang Lupa”: Mga sangkatlo ng populasyon ng daigdig ang gumagamit ng Internet. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ng marami, lalo na ng mga kabataan. Nagbibigay ang site natin ng tamang sagot sa tanong ng mga tao tungkol sa Bibliya. Ipinakikilala nito sa kanila ang organisasyon ni Jehova at ginagawa nitong mas madali para sa kanila na mag-request ng libreng pag-aaral sa Bibliya. Kaya makararating na ang mabuting balita sa mga lugar kung saan napakaliit ng tsansang marinig ng mga tao ang mensahe ng Kaharian.
“Sa Lahat ng mga Bansa”: Upang makapagpatotoo sa “lahat ng mga bansa,” kailangan nating iharap ang katotohanan ng Bibliya sa iba’t ibang wika. Gamit ang jw.org, madali nang makakakuha ng impormasyon sa mga 400 wika, mas marami kumpara sa iba pang mga Web site.
Gamitin Ito: Ang binagong Web site na jw.org ay hindi lang para sa pagpapatotoo sa mga di-sumasampalataya. Para din ito sa mga Saksi ni Jehova. Kung may access ka sa Internet, hinihimok ka naming maging pamilyar sa jw.org. Ang sumusunod ay mga mungkahi kung paano ito gagamitin.
[Dayagram sa pahina 3]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Subukan Ito
1 I-type ang www.jw.org sa Internet browser ng iyong computer.
2 I-click ang mga section heading, menu option, at mga link para makita ang iba pang pahina sa site.
3 Gamitin ang jw.org/tl sa iyong mobile device na may access sa Internet. Nag-a-adjust ang hitsura ng pahina depende sa laki ng iyong screen pero pareho lang ang lilitaw na impormasyon.