Gamitin ang jw.org sa Ministeryo—“Maging Kaibigan ni Jehova”
Makikita sa seksiyong “Turo ng Bibliya” sa jw.org ang feature para sa mga bata na “Maging Kaibigan ni Jehova” na may mga kanta, video, at activity. Nagamit mo na ba ang feature na ito sa iyong ministeryo? Kung may Bible study ka na may maliliit na anak, bakit hindi ito ipakita sa kaniya? Baka magkainteres siya na tingnan ang iba pang feature ng ating website.
Isang brother ang nagbigay ng Kingdom News Blg. 38 sa isang babae na agad naman nitong binasa. May maliliit siyang anak na gusto ring makita ang tract. Ipinaliwanag sa maikli ng brother ang nilalaman nito at ipinakita ang adres ng ating website sa likod ng tract. Dahil interesado ang babae, ipinapanood ng brother sa mag-iina ang isang video ni Caleb gamit ang kaniyang mobile device.
Sinabi ng isang sister sa kaniyang katrabahong may maliliit na anak ang tungkol sa ating website at ang nilalaman nitong impormasyon para sa pamilya. Tiningnan ng babae ang jw.org kasama ang kaniyang mga anak. Nang maglaon, ikinuwento niya sa sister na kinakanta ng kaniyang mga anak ang “Ipangaral ang Salita,” isa sa mga kanta sa “Maging Kaibigan ni Jehova.”
Maging pamilyar sa feature na ito ng jw.org, at mag-download ng video, kanta, o activity sa iyong mobile device. Sa paggawa nito, magiging handa kang gamitin ang seksiyong ito ng jw.org sa ministeryo. Isa nga itong napakahalagang pantulong na magagamit sa pagpapaalipin para sa Panginoon!—Gawa 20:19.