Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/13 p. 2
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Kailan at Bakit Dapat Maglambong sa Ulo?
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Magdaos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya sa Pintuan at sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Pintuan at sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
km 11/13 p. 2

Tanong

◼ Dapat bang maglambong ang isang babaing mamamahayag kapag may kasama siyang lalaking mamamahayag sa pag-aaral sa Bibliya sa may pintuan?

Kapag ang isang babaing mamamahayag ay nagdaraos ng regular at nakaiskedyul na pag-aaral sa Bibliya at may kasama siyang lalaking mamamahayag ng Kaharian, dapat siyang maglambong. (1 Cor. 11:​3-10) Ganito ang paliwanag ng Ang Bantayan, isyu ng Hulyo 15, 2002, pahina 27: “Ito ay isang sesyon ng pagtuturo na patiunang isinaayos kung saan ang taong nagdaraos ng pag-aaral ay aktuwal na nangangasiwa. Sa ilalim ng ganitong mga kalagayan, ang pag-aaral ay nagiging karugtong ng kongregasyon. Kung ang isang bautisadong babaing Saksi ay nagdaraos ng gayong pag-aaral kasama ang isang bautisadong lalaking Saksi, nararapat lamang na maglambong siya sa ulo.” Kapit iyan kahit ang pag-aaral ay idinaraos sa loob ng tahanan, sa may pintuan, o sa iba pang lugar.

Sa kabilang dako, kung ang pag-aaral ng Bibliya sa may pintuan ay hindi pa naitatatag, hindi kailangang maglambong ang sister, kahit na ang layunin ng pagdalaw-muli ay para ipakita kung paano isinasagawa ang isang pag-aaral sa Bibliya o para talakayin ang alinman sa mga pantulong sa pag-aaral ng Bibliya. Dahil ang pag-aaral ng Bibliya sa may pintuan ay kadalasan nang unti-unting naitatatag sa pamamagitan ng sunud-sunod na progresibong pagdalaw-muli, kailangang isaalang-alang ng mga mamamahayag ang mga kalagayan at maging makatuwiran sa pag-alam kung kailan dapat maglambong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share