“Narito Kami Dahil . . .”
Kapag binuksan ng mga may-bahay ang kanilang pintuan at nakita nilang nakatayo tayo roon, baka iniisip nila kung sino tayo at kung bakit tayo naroroon. Ano ang puwede nating sabihin para maging kampante sila? Pagkatapos bumati, nagpapaliwanag ang ilang mamamahayag gamit ang salitang “dahil.” Halimbawa, sinasabi nila: “Dumadalaw kami dahil marami ang nababahala sa krimen. Sa palagay mo . . .” o “Narito kami dahil nag-aalok kami ng libreng pag-aaral sa Bibliya.” Kung sa simula pa lang ay sinasabi na natin sa may-bahay kung bakit tayo naroroon, baka mas makinig siya sa kung ano ang sasabihin natin.