Gamitin ang jw.org sa Inyong Ministeryo
Ang website natin ay napakahalagang pantulong para maipangaral ang mabuting balita “hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gawa 1:8) Hindi alam ng karamihan sa mga may-bahay ang jw.org. Nalalaman lang nila ito kapag itinuro ito sa kanila ng isang mamamahayag.
Isang naglalakbay na tagapangasiwa ang nag-download ng video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya? sa cellphone niya at ipinakikita ito sa iba kapag may pagkakataon siya. Halimbawa, sa bahay-bahay, sinasabi niya: “Dumadalaw ako saglit para tulungan ang mga tao na malaman ang sagot sa tatlong mahalagang tanong: Bakit napakaraming problema sa mundo? Paano ito aayusin ng Diyos? At paano natin ito mahaharap ngayon? Sinasagot ng maikling video na ito ang mga tanong na ‘yan.” Agad niyang ipe-play ang video at oobserbahan ang reaksiyon ng may-bahay. Napakaganda ng video kaya karamihan ng mga tao ay halos hindi kumukurap sa panonood nito. Pagkatapos, sinasabi ng naglalakbay na tagapangasiwa: “Gaya ng narinig mo, puwede kang mag-request online ng Bible study. Tutal nandito na ‘ko, puwede kong ipakita sa ‘yo kung paano nagba-Bible study.” Kapag pumayag ang may-bahay, ipinakikita niya kung paano ito ginagawa gamit ang brosyur na Magandang Balita. Kung walang panahon ang may-bahay, nakikipag-appointment siya para magawa iyon sa susunod na pagdalaw. Kapag nasa coffee shop, ganoon din ang sinasabi niya sa mga kalapit niya ng upuan matapos magpasimula ng palakaibigang pakikipag-usap. Ginagamit mo ba ang jw.org sa ministeryo mo?