Sampol na Presentasyon
Ang Bantayan Hunyo 1
“Dumadalaw kami para pasiglahin ang mga tao na magbasa ng Bibliya. Marami kasi ang nag-iisip na kung ibabatay sa modernong siyensiya, masasabing di-tumpak ang Bibliya. Ano sa palagay mo? Makapagtitiwala ka ba sa Bibliya? [Hayaang sumagot.] Tingnan mo ang isang halimbawa na nagpapakitang kaayon ng siyensiya ang Bibliya. [Basahin ang Job 26:7.] Tinatalakay sa magasing ito kung paano nagkakasuwato ang sinasabi ng Bibliya at siyensiya.”
Gumising! Hunyo
“Dahil marami ngayon ang nakikipaglaban sa sakit, gusto naming ibahagi ang nakaaaliw na tekstong ito sa Bibliya. [Basahin ang Isaias 33:24a.] Sa tingin mo, ano kaya ang magiging buhay natin kung hindi na tayo magkakasakit kahit kailan? [Hayaang sumagot.] Hangga’t hindi pa natutupad ang hulang iyan, may limang pangunahing hakbang na puwede nating gawin para mapabuti ang ating kalusugan. Ipinaliliwanag iyan sa magasing ito.”