Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb17 Abril p. 6
  • Mga Awiting Pang-Kaharian na Nagpapalakas ng Loob

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Awiting Pang-Kaharian na Nagpapalakas ng Loob
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Kaparehong Materyal
  • Masayang Purihin si Jehova sa Pamamagitan ng Awit
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Tip sa Pag-aaral
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Mga Bagong Awit sa Pagsamba!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Mga Kantang Naglalapít sa Atin sa Diyos
    Saan Napupunta ang Donasyon Mo?
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
mwb17 Abril p. 6

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Awiting Pang-Kaharian na Nagpapalakas ng Loob

Si Brother Erich Frost na nakaupo sa harap ng piyano

Pinuri nina Pablo at Silas ang Diyos sa pamamagitan ng awit habang nakabilanggo. (Gaw 16:25) Sa modernong panahon naman, ang ating mga kapananampalataya ay umawit ng mga awiting pang-Kaharian habang nasa kampong piitan sa Sachsenhausen sa Germany sa ilalim ng Nazi at habang nasa pagkatapon sa Siberia. Ipinakikita ng mga halimbawang ito na ang mga awitin ay nakapagpapalakas ng loob sa mga Kristiyanong napapaharap sa mga pagsubok.

Ang bagong aklat-awitan na Umawit Nang Masaya kay Jehova ay malapit nang lumabas sa maraming wika. Kapag may kopya na tayo nito, maaari nating praktisin ang mga awit sa ating pampamilyang pagsamba para maging pamilyar tayo sa mga liriko. (Efe 5:19) Pagkatapos, tutulungan tayo ng banal na espiritu na maalaala ang mga ito sa panahon ng pag-uusig. Nakatutulong ang mga awiting pang-Kaharian para makapagpokus tayo sa ating pag-asa. Mapalalakas nito ang ating loob kapag napapaharap tayo sa mga pagsubok. At kapag masaya tayo, maaawit natin nang may pagsasaya ang nakapagpapasiglang mga liriko nito dahil sa magandang kalagayan ng ating puso. (1Cr 15:16; Aw 33:1-3) Gamitin sana natin nang lubusan ang ating mga awiting pang-Kaharian!

PANOORIN ANG VIDEO NA ISANG KANTA NA NAGPATIBAY SA MGA TRABAHADOR. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit kumatha ng awit si Brother Frost?

  • Paano napatibay ng awiting iyon ang mga kapatid na nasa kampong piitan sa Sachsenhausen?

  • Sa anong mga kalagayan sa araw-araw puwede kang mapatibay ng mga awiting pang-Kaharian?

  • Anong mga awiting pang-Kaharian ang gusto mong kabisaduhin?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share