PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Kailan Ako Puwedeng Mag-auxiliary Pioneer Uli?
Isinisiwalat ng pangitain ni Ezekiel tungkol sa templo na ang bayan ni Jehova ay kusang-loob na maghahandog sa kaniya. Paano tayo makikibahagi sa paghahandog ng hain ng papuri?—Heb 13:15, 16.
Ang isang magandang paraan ay ang pag-o-auxiliary pioneer. Sa 2018 taon ng paglilingkod, may mga buwan na may limang Sabado o limang Linggo. Pangunahin nang makatutulong ito sa mga may full-time na trabaho at nakakasama lang sa ministeryo tuwing dulo ng sanlinggo. Puwede ring pumili ang mga mamamahayag kung 30 o 50 oras ang aabutin nila sa buwan ng Marso at Abril at sa buwan ng dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito.
Paano kung hindi ipinahihintulot ng kalagayan natin na makapag-auxiliary pioneer tayo? Puwede nating pasulungin ang ating ministeryo at marahil gumugol pa ng higit na oras sa pakikibahagi rito. Anuman ang kalagayan natin, pakilusin sana tayo ng ating pag-ibig kay Jehova na ihandog sa kaniya ang ating pinakamainam sa 2018 taon ng paglilingkod!—Os 14:2.
Paano ko matutularan ang sigasig ni Sabina Hernández?
PANOORIN ANG VIDEO NA DAHIL KAY JEHOVA, HALOS LAHAT AY MAGAGAWA KO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang nagpakilos kay Sabina na paglingkuran pa nang higit si Jehova?
Paano ka napatitibay ng halimbawa ni Sabina?
Sa 2018 taon ng paglilingkod, anong (mga) buwan ka puwedeng mag-auxiliary pioneer?