PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ang Malinis na Paggawi at Matinding Paggalang ay Umaantig sa Puso
Kadalasan nang naaakay ng mga asawang babae sa katotohanan ang mga asawa nila dahil sa kanilang tulad-Kristong paggawi. Pero baka kailangan mong magtiis nang maraming taon. (1Pe 2:21-23; 3:1, 2) Kung nahihirapan ka, patuloy na daigin ng mabuti ang masama. (Ro 12:21) Ang mabuting paggawi mo ay puwedeng magkaroon ng magandang resulta na hindi magagawa ng basta salita lang.
Isipin kung ano ang pananaw ng iyong asawa sa mga bagay-bagay. (Fil 2:3, 4) Magpakita ng empatiya at konsiderasyon. Maging magalang at responsableng asawang babae. Makinig na mabuti. (San 1:19) Maging matiisin, at ipadama sa iyong asawa na mahal mo siya. Kahit hindi suklian ng asawa mo ang iyong kabaitan at paggalang, makakapagtiwala kang pinapahalagahan ni Jehova ang iyong katapatan.—1Pe 2:19, 20.
PANOORIN ANG VIDEO NA PINAPALAKAS TAYO NI JEHOVA PARA MABUHAT NATIN ANG ATING PASAN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang buhay ni Grace Li noong bagong kasal pa lang siya?
Bakit siya nag-aral ng Bibliya?
Paano hinarap ni Sister Li ang mga problema matapos siyang mabautismuhan?
Ano ang ipinapanalangin ni Sister Li para sa asawa niya?
Anong mga pagpapala ang natanggap ni Sister Li dahil sa kaniyang malinis na paggawi at matinding paggalang?
Malaki ang nagagawa ng malinis na paggawi at matinding paggalang!