Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb20 Pebrero p. 7
  • Nakikinabang Ka Ba sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nakikinabang Ka Ba sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw?
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Espirituwal na Pagkain Araw-araw—Mahalaga Para sa Kristiyanong Pamilya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Iskedyul ng Pamilya—Ang Pang-araw-araw na Teksto
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Mga Ulo ng Pamilya—Panatilihin ang Isang Mahusay na Espirituwal na Rutin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Gumawa ng Praktikal na Iskedyul ng Pamilya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
mwb20 Pebrero p. 7

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Nakikinabang Ka Ba sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw?

Kasama ba sa iyong espirituwal na rutin ang pagbabasa ng teksto at komento na nasa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw? Kung hindi, puwede mo ba itong isama sa iyong iskedyul? Marami ang nagbabasa ng teksto tuwing umaga para mapag-isipan nila ito habang ginagawa nila ang mga gawain sa araw-araw. (Jos 1:8; Aw 119:97) Paano ka mas makikinabang sa teksto mula sa Kasulatan? Basahin ang konteksto ng mga talata sa Bibliya para malaman ang iba pang detalye. Mag-isip ng mga ulat sa Bibliya na nagdiriin ng mga prinsipyong makikita sa teksto. Pagkatapos, sundin ang prinsipyong ito sa iyong buhay. Kapag isinasaalang-alang mo ang Salita ng Diyos sa iyong mga desisyon, magiging gabay mo ito at talagang makikinabang ka.​—Aw 119:105.

Tuwing umaga, binabasa ng pamilyang Bethel sa buong mundo ang Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw. Nitong nakaraang mga taon, marami sa mga Pang-umagang Pagsamba ang mapapanood na sa JW Broadcasting® sa ilalim ng kategoryang MGA PROGRAMA AT OKASYON. Kailan ka huling nakapanood nito? Baka ang ilan sa mga tinalakay rito ang talagang kailangan mo. Halimbawa, paano makakaapekto sa mga desisyon mo ang ulat tungkol kay Lot?

PANOORIN ANG VIDEO NA HUWAG NINYONG IBIGIN ANG SANLIBUTAN (1JU 2:15). PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong prinsipyo sa Bibliya ang tinalakay sa Pang-umagang Pagsambang ito?

  • Paano ipinapakita ng ulat tungkol kay Lot ang panganib ng pag-ibig sa sanlibutan o sa mga bagay na nasa sanlibutan?​—Gen 13:12; 14:12; 19:3, 12, 13, 24-26

  • Paano natin ipapakita na si Jehova ang iniibig natin at hindi ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan?

Mga larawan: Isang brother na nagbubulay-bulay sa pang-araw-araw na teksto at komento. 1. Habang nagbabasa, iniisip niya ang eksena nang hilahin ng mga anghel si Lot at ang pamilya nito para lumabas sa Sodoma. 2. Habang nagtatanghalian sa trabaho, iniisip pa rin niya ang nabasa niya noong umaga. 3. Noong gabi, binubulay-bulay pa rin niya ang mga nabasa niya noong umaga habang nagtitiklop ng mga damit.

Paano ko ipapakita na pinapahalagahan ko ang Salita ni Jehova sa araw-araw?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share