PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO | UMABOT NG MGA TUNGUHIN SA SUSUNOD NA TAON NG PAGLILINGKOD
Paglipat Kung Saan Mas Malaki ang Pangangailangan
Kailangan ng pananampalataya para iwan ang nakasanayan mong lugar at lumipat sa ibang lugar para mapalawak ang ministeryo mo. (Heb 11:8-10) Kung iyan ang tunguhin mo, makipag-usap ka sa mga elder ninyo. Ano ang puwede mong gawin para malaman kung kaya mong abutin ang tunguhing iyan at kung saan ka puwedeng lumipat? Magbasa sa mga publikasyon natin tungkol sa paglipat kung saan mas malaki ang pangangailangan. Makipag-usap sa mga lumipat para tumulong sa ibang kongregasyon. (Kaw 15:22) Manalangin kay Jehova at humingi ng patnubay. (San 1:5) Pag-aralan ang lugar na gusto mong lipatan, at kung posible, dumalaw muna doon ng mga ilang araw bago magdesisyon.
PANOORIN ANG VIDEO NA KAILANGAN NG PANANAMPALATAYA SA . . . PAGLIPAT KUNG SAAN MAS MALAKI ANG PANGANGAILANGAN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:
Ano ang mga naging hamon kay Gabriel, at ano ang nakatulong sa kaniya?