Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb15 p. 2-3
  • 2015 Taunang Teksto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 2015 Taunang Teksto
  • 2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Magpasalamat kay Jehova Para Pagpalain Ka
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • ‘Ipakita na Kayo ay Mapagpasalamat’
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • “Magpasalamat Kayo kay Jehova”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Magtiwala kay Jehova—“Ang Diyos ng Buong Kaaliwan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb15 p. 2-3
Mga larawan sa pahina 2, 3

2015 Taunang Teksto

“Magpasalamat Kayo kay Jehova, Sapagkat Siya ay Mabuti.”​—Awit 106:1

Matapos silang iligtas mula kay Paraon at sa kaniyang hukbo sa Dagat na Pula, talagang dapat magpasalamat kay Jehova ang mga Israelita. Tayo rin sa ngayon ay maaaring magpasalamat kay Jehova. Totoo, kapag napapaharap tayo sa mga pagsubok, baka madali tayong masiraan ng loob. Sa gayong mga sitwasyon, maaaliw tayo at mapatitibay kung bubulay-bulayin natin ang ating mga pagpapala.

Isa sa pinakamamahal nating pagpapala ay ang ating tiyak na pag-asa ng kaligtasan mula sa lahat ng sanhi ng kirot at pighati. Anumang problema ang mapaharap sa atin, alam nating hindi tayo pababayaan ni Jehova. Inilalaan ng ating maibiging Pastol ang lahat ng kailangan natin para mapaglingkuran siya nang may katapatan. Lagi siyang nagiging “kanlungan at kalakasan para sa atin, isang tulong na kaagad na masusumpungan sa panahon ng mga kabagabagan.” (Awit 46:1) Kapag nakapokus tayo sa gayong mga pagpapala, mahaharap natin maging ang pinakamatitinding pagsubok. Sa taóng ito, may-kagalakan nawa nating bulay-bulayin ang ating mga pagpapala at maudyukan tayong “magpasalamat . . . kay Jehova, sapagkat siya ay mabuti; sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.”​—Awit 106:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share