Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 118
  • Paano Ko Maihihinto ang Dobleng Pamumuhay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ko Maihihinto ang Dobleng Pamumuhay?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang dobleng pamumuhay?
  • Masamang tao na ba ako kung may doble akong pamumuhay?
  • Paano ko maihihinto ang dobleng pamumuhay?
  • Mga Kabataan—Mag-ingat Laban sa Dalawang-Uring Pamumuhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • May Dobleng Pamumuhay Ako​—Sino ang Dapat Makaalam?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
  • Dalawang-Uring Pamumuhay—Bakit Hindi?
    Gumising!—1993
  • Paano Ako Makaaalpas sa Dalawang-Uring Pamumuhay?
    Gumising!—1994
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 118
Magkaibang eksena ng mga ginagawa ng isang sister. 1. Nakikipag-inuman siya kasama ng mga kaibigan niya habang naninigarilyo ang iba. Inaakbayan siya ng isang lalaki. 2. Sa Kingdom Hall naman, maayos siyang manamit at kumakanta kasama ng kongregasyon.

TANONG NG MGA KABATAAN

Paano Ko Maihihinto ang Dobleng Pamumuhay?

Kung minsan, naiisip ng ilang mananamba ng Diyos kung sulit na sundin ang mga prinsipyo ng Bibliya. (Awit 73:2, 3) Baka subukan pa nga nilang gumawa ng mga bagay na hindi ayon sa batas ni Jehova. Pagkatapos, itatago nila iyon sa mga kapatid sa kongregasyon.

Makakatulong ang artikulong ito sa mga may dobleng pamumuhay at gusto na itong ihinto.

Sa artikulong ito

  • Ano ang dobleng pamumuhay?

  • Masamang tao na ba ako kung may doble akong pamumuhay?

  • Paano ko maihihinto ang dobleng pamumuhay?

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Ano ang dobleng pamumuhay?

Doble ang pamumuhay mo kung ginagawa mo ang mga bagay na alam mong masama kapag kasama mo ang mga hindi sumusunod kay Jehova. Pero kapag kasama mo naman ang mga kapatid sa kongregasyon, kumikilos ka na parang gusto mong paglingkuran si Jehova. Mayroon kang dalawang uri ng pamumuhay na para bang nakasuot ka ng maskara kasi may itinatago ka.

“Kung doble ang pamumuhay mo, may itinatago ka sa dalawang grupo, kaya hindi ka talaga nila kilala. Ibig sabihin, nagsisinungaling ka sa lahat.”—Erin.

Alam mo ba? Masasabi ring may dobleng pamumuhay ka kung gumagawa ka ng mga bagay na ayaw ni Jehova kahit walang nakakakita.

“Noong 14 ako, nagba-browse ako sa Internet ng mga imoral na picture at video. Kapag kasama ko naman ang iba, nagkukunwari ako na hindi ko gusto ang pornograpya. Pero ang totoo, gusto ko naman talaga.”—Nolan.

Prinsipyo sa Bibliya: “Walang alipin ang makapaglilingkod sa dalawang panginoon; dahil alinman sa kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa.”—Mateo 6:24.

Masamang tao na ba ako kung may doble akong pamumuhay?

Hindi naman. May mga tao na ayaw talagang sumunod sa mga prinsipyo sa Bibliya. Pero ganiyan ka nga ba? O baka may iba kang dahilan, gaya ng:

  • Nahihiya kang mapaiba sa mga kasama mo.

  • Parang mas makakasundo mo ang mga kaeskuwela mo kaysa sa mga kakongregasyon mo.

  • Parang nahihirapan ka at hindi mo kayang sundin ang lahat ng utos ng Diyos.

“Siguro, kaya gusto ng ilang kabataan na may dobleng pamumuhay na makipagkaibigan sa mga hindi sumusunod sa mga prinsipyo sa Bibliya kasi gusto nilang magkaroon ng mga kaibigan—kahit sino nga lang.”—David.

Siyempre, hindi dahilan ang mga iyan para magkaroon ka ng dobleng pamumuhay. Pero ipinapakita ng mga iyan na puwede talagang magkaroon ng dobleng pamumuhay kahit ang mabubuting tao. Kung ganiyan ang sitwasyon mo, ano ang puwede mong gawin?

Paano ko maihihinto ang dobleng pamumuhay?

  1. 1. Isipin mo kung paano ka namumuhay ngayon. Tanungin ang sarili: ‘Ganitong buhay ba talaga ang gusto ko? Ano ang mangyayari kapag ipinagpatuloy ko ito?’

    Prinsipyo sa Bibliya: “Nakikita ng matalino ang panganib . . . , pero tulóy lang ang mga walang karanasan at pinagdurusahan ang epekto nito.”—Kawikaan 27:12.

  2. 2. Sabihin ang totoo. Ipakipag-usap ang sitwasyon mo sa mga magulang mo o sa isang matured na kaibigan na tapat na lingkod ni Jehova. Malamang na matutuwa sila kasi humingi ka ng tulong at gusto mong gawin ang tama!

    Kabataang lalaki na nahulog sa hukay habang pilit na inaabot ang kamay ng isang lalaki sa taas ng hukay.

    Kung “nahulog” ka na sa dobleng pamumuhay, humingi ng tulong

    “Nahirapan talaga akong ipagtapat na may dobleng pamumuhay ako. Pero nang gawin ko iyon, gumaan ang pakiramdam ko.”—Nolan.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Ang nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi magtatagumpay, pero ang nagtatapat at tumatalikod sa mga iyon ay kaaawaan.”—Kawikaan 28:13.

  3. 3. Tanggapin ang mga resulta ng ginawa mo. Tandaan na nasira mo ang tiwala ng mga magulang mo at ng kongregasyon dahil sa dobleng pamumuhay mo. Kaya baka bigyan ka ng ilang restriksiyon ng mga magulang mo o ng mga elder sa kongregasyon. Tanggapin mo iyon. At tiyakin na mula ngayon, kikilos ka na nang “tapat sa lahat ng bagay.”—Hebreo 13:18.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Makinig ka sa payo at tumanggap ng disiplina para maging marunong ka pagdating ng araw.”—Kawikaan 19:20.

  4. 4. Tandaan na mahal ka ng Diyos. Mahal tayo ni Jehova at alam na alam niya ang lahat ng ginagawa natin. Kaya kapag may dobleng pamumuhay ka, nakikita niya iyon at nalulungkot siya. Pero ‘dahil nagmamalasakit siya sa iyo,’ gustong-gusto ka niyang tulungan.—1 Pedro 5:7.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Ang mga mata ni Jehova ay nagmamasid nang mabuti sa buong lupa para ipakita niya ang kaniyang lakas alang-alang sa nagbibigay ng buong puso nila sa kaniya.”—2 Cronica 16:9.

Ang sinasabi ng ibang kabataan

Si Macy.

“Gusto kong gayahin y’ong mga kasama ko sa school. Pero nagbago ’yon noong naging mas malapít ako sa mga kapatid sa kongregasyon. Lagi akong sumasama sa mga umiibig kay Jehova kaya hindi ko na naiisip na gayahin ang mga kaeskuwela ko.”—Macy.

Si Alban.

“Naisip ko rin bang magkaroon ng dobleng pamumuhay? Oo. Sa school namin, parang ang galing-galing ng ibang mga bata at parang lagi silang masaya. Pero bandang huli, marami sa kanila ang naadik sa drugs at alak. Hindi naging maganda ang buhay nila.”—Alban.

Para sa higit pang impormasyon, basahin ang mga karanasan nina Elie at Lisa—dalawang kabataang nagkaroon ng dobleng pamumuhay pero nanumbalik kay Jehova.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share