Mary_Ukraine/stock.adobe.com
PATULOY NA MAGBANTAY!
Nawawalan Na ng Tiwala ang mga Tao sa mga Politiko—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Sa taóng 2024 magkakaroon ng pinakamaraming eleksiyon sa buong mundo. Pero marami ang wala nang tiwala sa mga politiko.
Ayon sa isang survey, karamihan ng mga Amerikano ay nagsasabing “mas marami sa mga politiko ang nakapokus sa makukuha nilang pakinabang” imbes na sa maitutulong nila sa mga tao.a—Pew Research Center, Setyembre 19, 2023.
Kahit mga kabataan, wala na ring tiwala sa mga politiko.
Karaniwan nang naghahanap ng solusyon ang mga teenager sa iba’t ibang isyu. Pero ayon sa mga survey, naniniwala silang walang pakialam sa mga ito ang mga politiko.”—The New York Times, Enero 29, 2024.
“Mas nagtitiwala pa ang mga kabataan sa mga YouTuber kaysa sa mga politiko, ayon sa isang survey.”—The Korea Times, Enero 22, 2024.
Mabibigyan ba talaga tayo ng mga politiko ng magandang kinabukasan? Kanino tayo makakapagtiwala?
Pag-isipan kung kanino magtitiwala
Tama lang na maging maingat tayo kung kanino tayo magtitiwala. Sinasabi ng Bibliya: “Pinaniniwalaan ng walang karanasan ang lahat ng naririnig niya, pero pinag-iisipan ng marunong ang bawat hakbang niya.”—Kawikaan 14:15.
Basahin ang artikulong “Mag-ingat Mula sa Maling Impormasyon” para sa mga tip kung paano masisigurado na tama ang isang impormasyon.
Isa pa, kahit tapat naman at maganda ang intensiyon ng ilang politiko, limitado lang ang magagawa nila. Kaya sinasabi ng Bibliya:
“Huwag kayong umasa sa mga pinuno o sa anak ng tao, na hindi makapagliligtas.”—Awit 146:3.
Isang lider na mapagkakatiwalaan mo
Itinuturo ng Bibliya na pumili ang Diyos ng isang lider na talagang may kakayahan at mapagkakatiwalaan, si Jesu-Kristo. (Lucas 1:32, 33) Si Jesus ang Hari ng Kaharian ng Diyos, isang gobyerno na namamahala mula sa langit.—Mateo 6:10.
Alamin kung bakit ka makakapagtiwala kay Jesus at kung paano niya sosolusyunan ang mga problema natin. Basahin ang artikulong “Sino ang Hari sa Kaharian ng Diyos?” at “Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos?”
a Pew Research Center, “Americans’ Dismal Views of the Nation’s Politics,” Setyembre 2023.