Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mrt artikulo 121
  • Kanino Ka Makakapagtiwala?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kanino Ka Makakapagtiwala?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
  • Iba Pang Paksa
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isa na mapagkakatiwalaan mo
  • Mahalaga ang Pagtitiwala Para sa Isang Maligayang Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Nawawalan Na ng Tiwala ang mga Tao sa mga Politiko—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Aalisin ni Jesus ang Kahirapan
    Iba Pang Paksa
  • Mapagkakatiwalaan Mo ang mga Kapatid
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
Iba Pa
Iba Pang Paksa
mrt artikulo 121
Collage: Mga tao na madalas pinagkakatiwalaan: 1. Politiko na nasa harap ng mikropono. 2. Pari na nananalangin. 3. Scientist na may hawak na clipboard.

Sa kaliwa: Olena Yefremkina/stock.adobe.com; center: lunamarina/stock.adobe.com; sa kanan: Rido/stock.adobe.com

PATULOY NA MAGBANTAY!

Kanino Ka Makakapagtiwala?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Nadidismaya ang mga tao kapag binibigo sila ng mga taong pinagkakatiwalaan nila. Marami ang nawalan ng tiwala sa mga . . .

  • lider ng politika na inuuna ang sariling kapakanan kaysa sa pangangailangan ng mga tao.

  • media na naghahatid ng di-patas at maling mga report.

  • scientist na hindi iniisip ang pinakamabuti para sa maraming tao.

  • lider ng relihiyon na nakikibahagi sa politika imbes na maging kinatawan ng Diyos.

Tama lang na maging maingat ang mga tao sa kung sino ang dapat nilang pagkatiwalaan. Sinasabi ng Bibliya:

  • “Huwag kayong umasa sa makapangyarihang mga tao o sa anak ng tao, na hindi makapagliligtas.”—Awit 146:3, talababa.

Isa na mapagkakatiwalaan mo

 Ipinapakilala ng Bibliya ang isa na mapagkakatiwalaan mo: Si Jesu-Kristo. Hindi lang siya isang mabuting tao na nabuhay noon. Inatasan ng Diyos si Jesus na maging Hari sa Kaharian ng Diyos, isang gobyerno na namamahala na ngayon sa langit. (Mateo 6:10) Sinasabi sa Bibliya: “Maghahari siya . . . at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”—Lucas 1:32, 33.

  • Para malaman kung bakit ka makakapagtiwala kay Jesus, basahin ang mga artikulong “Sino ang Hari sa Kaharian ng Diyos?” at “Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos?”

Isang aklat na mapagkakatiwalaan mo

Maraming binabanggit ang Bibliya tungkol sa buhay ni Jesus at sa iba pang mahahalagang paksa. Naglalaman ang espesyal na aklat na ito ng mga impormasyong mapagkakatiwalaan mo. Para malaman ang mga impormasyong iyan, iniimbitahan ka namin na subukan ang isang libreng pag-aaral ng Bibliya. May mga publikasyong gagamitin sa pag-aaral mo, at may tutulong din sa iyo. Higit sa lahat, mas makikilala mo si Jesus. Malalaman mo rin ang mga ginawa niya, ginagawa, at gagawin pa sa hinaharap.

Subukan ang Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share