Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mrt artikulo 117
  • Karahasan Dahil sa Politika—Ang Sinasabi ng Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Karahasan Dahil sa Politika—Ang Sinasabi ng Bibliya
  • Iba Pang Paksa
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Inihula na magkakabaha-bahagi ang mga tao dahil sa politika
  • Mawawala na ang karahasan dahil sa politika
  • Kapayapaan sa Lupa—Paano?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Karahasan—Malapit Na ang Wakas Nito!
    Gumising!—1989
  • Karahasan
    Gumising!—2015
  • Ang Ganap na Katapusan ng Karahasan—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Iba Pa
Iba Pang Paksa
mrt artikulo 117
Shotgun na nakatutok sa iyo.

Rui Almeida Fotografia/Moment via Getty Images

PATULOY NA MAGBANTAY!

Karahasan Dahil sa Politika—⁠Ang Sinasabi ng Bibliya

Nakakabahala ang dumaraming karahasan dahil sa politika sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

  • Sa Mexico, noong 2023-2024 election, 39 na kandidato sa politika ang pinatay. Ito na ang pinakamataas na bilang ng naiulat na pagpatay doon dahil sa politika, at ikinagulat ito ng mga tao.

  • Nitong nakaraan sa Europe, dumami ang insidente ng karahasan dahil sa politika, kasama na rito ang tangkang pagpatay sa prime minister ng Slovakia noong Mayo 15, 2024.

  • Gulat na gulat ang mga tao sa United States nang tangkaing patayin sa ikalawang pagkakataon ang dating presidente na si Donald Trump noong Setyembre 15, 2024.

Bakit napakaraming nagaganap na karahasan dahil sa politika? Matatapos pa kaya ito? Ano ang sinasabi ng Bibliya?

Inihula na magkakabaha-bahagi ang mga tao dahil sa politika

Inihula ng Bibliya na sa panahon natin, na tinatawag na “mga huling araw,” magiging dahilan ng karahasan at kaguluhan ang ugali ng maraming tao.

  • “Sa mga huling araw, magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan. Dahil ang mga tao ay magiging . . . walang utang na loob, di-tapat, . . . ayaw makipagkasundo, . . . mabangis, . . . taksil, matigas ang ulo, mapagmalaki.”—2 Timoteo 3:1-4.

Inihula rin ng Bibliya na sa panahong ito, magkakaroon ng kaguluhan sa politika gaya ng mga pag-aaklas, rebelyon, at protesta. (Lucas 21:9, talababa) Pero darating ang panahon na mawawala rin ang mga karahasan at kaguluhan sa politika.

Mawawala na ang karahasan dahil sa politika

Sinasabi ng Bibliya na papalitan ng Diyos ng sarili niyang gobyerno sa langit ang lahat ng gobyerno ng tao.

  • “Ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian. . . . Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng [ibang kaharian] at ito lang ang mananatili magpakailanman.”—Daniel 2:44.

Pagkakaisahin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng tao at magiging payapa na ang buong mundo.

  • Si Jesu-Kristo ang Tagapamahala nito at tinatawag siyang “Prinsipe ng Kapayapaan.” Sisiguraduhin niyang “ang kapayapaan ay hindi magwawakas.”—Isaias 9:6, 7.

  • Ngayon pa lang, natututo nang mamuhay nang payapa ang mga sakop nito. Dahil dito, sinasabi ng Bibliya: “Pupukpukin nila ang kanilang mga espada para gawin itong araro at ang kanilang mga sibat para gawin itong karit. Walang bansa na magtataas ng espada laban sa ibang bansa, at hindi na rin sila mag-aaral ng pakikipagdigma.”—Isaias 2:4.

Para sa higit pang impormasyon, basahin ang artikulong “Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos?” at panoorin ang video na Ano ang Kaharian ng Diyos?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share