Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 4/22 p. 11
  • Karahasan—Malapit Na ang Wakas Nito!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Karahasan—Malapit Na ang Wakas Nito!
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Nadarama ng Diyos Hinggil sa Karahasan?
    Gumising!—2002
  • Ang Ganap na Katapusan ng Karahasan—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Karahasan
    Gumising!—2015
  • Karahasan Dahil sa Politika—Ang Sinasabi ng Bibliya
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 4/22 p. 11

Karahasan​—Malapit Na ang Wakas Nito!

ANG mga tao ay nagkaroon ng maraming panahon upang sawatain ang karahasan, subalit lalo lamang itong lumalâ. Hindi ba maliwanag na hindi ito kayang gawin ng mga tao? Anong pag-asa, kung gayon, mayroon para sa wakas ng karahasan?

Tiyak, ang mga tao ay kailangang umasa sa kanilang Maylikha para sa lunas sa problema, gayundin sa lahat ng iba pang problema. Ang kaniyang lunas ay ang kaniyang Kaharian, na isang matuwid na makalangit na pamahalaan. Itinalaga ni Jesu-Kristo ang kaniyang gawaing pangangaral sa lupa upang sabihin sa mga tao ang tungkol sa pamahalaang ito ng Kaharian. Ipinananalangin mo ang pamahalaang iyon kapag sinasabi mo: “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit ay gayon din naman sa lupa.”​—Mateo 6:9, 10, King James Version.

Subalit paano aalisin ng Kaharian ng Diyos ang karahasan? Inihuhula ang mga araw na atin mismong kinabubuhayan, ang sabi ng Bibliya: “At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ang Diyos ng langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At . . . dudurugin at wawasakin ng kahariang iyon mismo ang lahat ng kahariang ito, at iyon sa ganang sarili ay lalagi magpakailanman.” (Daniel 2:44) Oo, lubusang lilipulin ng pamahalaan ng Kaharian ng Diyos ang kasalukuyang mga gobyerno sa lupa at ang mga lipunan na pinamamahalaan nila, kasama ang lahat ng kanilang karahasan at krimen.

Datapuwat kailan mangyayari ito? Ipinakikita ng katuparan ng hula ng Bibliya na ito ay mangyayari sa ating panahon. Bakit namin sinasabi ito? Sapagkat “ang tanda” na sinabi ni Jesus na magiging tanda “ng katapusan ng sistema ng mga bagay” ay nagaganap na ngayon. Kabilang sa “tanda” na ito “ang paglago ng katampalasanan.” (Mateo 24:3-14, 34) Anong laking ginhawa kapag inalis na ng Diyos ang punô-ng-karahasang daigdig na ito! Gayumpaman, upang tamasahin ang mga pakinabang sa panahong iyon, dapat nating gawin ang kalooban ng Diyos ngayon.​—1 Juan 2:17.

Isang hula sa Bibliya na iniulat ng sinaunang propetang si Isaias ay nagsasabi tungkol sa paanyaya ng Diyos na pasakop sa Kaniyang mga tagubilin at “lumakad sa kaniyang daan.” Yaong tumutugon, sabi ng hula, “ay pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod” at hindi na sila “mag-aaral pa ng pakikidigma.” (Isaias 2:3, 4) Isa pang hula na isinulat ni Isaias ay bumabanggit ng resulta: “Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan man o ang kagibaan man sa loob ng iyong mga hangganan.” Bakit? Sapagkat si “Jehova ang magiging sa iyo ay walang hanggang liwanag.”​—Isaias 60:18-20.

Bagaman maaaring tamasahin ang bahagyang kapayapaan kahit na ngayon sa pamamagitan ng pag-aaral ng kalooban ng Diyos na Jehova at pagpapasakop dito, isip-isipin kung ano ang magiging katulad nito kapag inalis na ng Kaharian ng Diyos sa lupa ang lahat ng kasamaan. Sa panahong iyon wala ng dahilan upang matakot, wala ng dahilan upang matakot lumakad sa anumang kalye o pumasok sa anumang parke sa gabi. Hindi na kakailanganin pa ang mga kandado sa inyong mga pinto, hindi na kailangan pang mag-alala tungkol sa pangangalaga sa iyong sarili.​—2 Pedro 3:13.

Nais mo bang mabuhay sa gayong bagong sanlibutan na walang karahasan? Ito ay maaaring maging iyong maligayang pag-asa, sapagkat ito’y batay sa seguradong Salita ng ating Maylikha mismo. Ang mga Saksi ni Jehova ay maligayang tutulong sa iyo na maunawaan ang maiinam na pag-asang ito na ipinaaabot ng ating Maylikha sa ating lahat. Bakit hindi mo alamin para sa iyong sarili? Ikaw man ay maaaring magalak, palibhasa’y nalalaman mo na magwawakas na ang karahasan​—sa malapit na panahon!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share