Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwyp artikulo 86
  • May Masama Ba sa Okultismo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • May Masama Ba sa Okultismo?
  • Tanong ng mga Kabataan
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit ito nakakaakit?
  • Bakit kailangang mag-ingat?
  • Ang puwede mong gawin
  • Tanggapin ang Tulong ni Jehova Para Malabanan ang Masasamang Espiritu
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Ano ang Itinuturo ng Bibliya Tungkol sa Espiritismo?
    Gumising!—2017
  • Kung Bakit Dapat Kang Mag-ingat sa Espiritismo
    Gumising!—2008
  • Bakit Malaganap ang Interes sa Espiritismo?
    Gumising!—2000
Iba Pa
Tanong ng mga Kabataan
ijwyp artikulo 86
Dalawang kabataang babae ang tumitingin sa isang aklat tungkol sa okultismo

TANONG NG MGA KABATAAN

May Masama Ba sa Okultismo?

Ano sa palagay mo?

  • May masama ba sa pagtingin ng horoscope, paglalaro ng Ouija board, o pagkonsulta sa mga psychic?

  • Ang mga kuwento ba tungkol sa okultismo ay pagsasalarawan lang ng labanan sa pagitan ng mabuti at masama? O may panganib dito?

Tatalakayin ng artikulong ito kung bakit parang nakakaakit ang espiritismo at kung bakit kailangan kang mag-ingat.

  • Bakit ito nakakaakit?

  • Bakit kailangang mag-ingat?

  • Ang puwede mong gawin

  • Ang sinasabi ng ibang kabataan

Bakit ito nakakaakit?

Malaki ang kinikita ng entertainment industry dahil sa okultismo. Ginagawa nila itong pangunahing bahagi ng mga pelikula, programa sa TV, video game, at mga aklat. Bilang resulta, maraming kabataan ang nagkakainteres sa mga bagay na may kinalaman sa astrolohiya, demonyo, bampira, at witchcraft, o pangkukulam. Bakit? Ang dahilan:

  • Pagiging mausisa: Para malaman kung talagang umiiral ang daigdig ng mga espiritu

  • Pagkabahala: Para malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap

  • Pagnanais na makipag-ugnayan: Para makausap ang namatay na minamahal sa buhay

Wala namang mali sa mga dahilang ito. Halimbawa, normal lang na pag-isipan ang mangyayari sa hinaharap o ma-miss ang isang namatay na minamahal sa buhay. Pero may mga panganib na kailangan mong malaman.

Bakit kailangang mag-ingat?

Nagbigay ang Bibliya ng mga babala tungkol sa anumang bagay na may kinalaman sa espiritismo. Halimbawa, mababasa natin:

“Hindi dapat magkaroon sa gitna ninyo ng sinumang . . . manghuhula, mahiko, naghahanap ng tanda, mangkukulam, nanggagayuma, kumokonsulta sa espiritista o manghuhula, o nakikipag-usap sa patay. Dahil kasuklam-suklam kay Jehova ang lahat ng gumagawa ng mga ito.”—Deuteronomio 18:10-12.

Bakit hinahatulan ng Bibliya ang espiritismo?

  • Itinataguyod ng espiritismo ang pakikipagkaibigan sa mga demonyo. Sinasabi sa Bibliya na may mga anghel na nagrebelde sa Diyos at naging mga kaaway niya. (Genesis 6:2; Judas 6) Ang masasamang anghel na iyon ay tinatawag na mga demonyo. Ginagamit nila ang mga espiritista, manghuhula, at mga nagsasagawa ng astrolohiya para iligaw ang mga tao. Kapag ginagawa natin ang mga ito, nagiging kaaway tayo ng Diyos.

  • Pinaniniwala ng espiritismo ang mga tao na kaya nilang malaman ang mangyayari sa hinaharap. Pero Diyos lang ang makapagsasabi: “Mula sa pasimula ay sinasabi ko na ang mangyayari, at mula noong sinaunang panahon, ang mga bagay na hindi pa nagagawa.”—Isaias 46:10; Santiago 4:13, 14.

  • Pinaniniwala ng espiritismo ang mga tao na puwede nating makausap ang mga patay. Pero sinasabi ng Bibliya: “Walang alam ang mga patay . . . Wala nang gawain, pagpaplano, kaalaman, o karunungan sa Libingan.”—Eclesiastes 9:5, 10.

Ito ang mga dahilan kung bakit umiiwas ang mga Saksi ni Jehova sa anumang gawaing may kinalaman sa espiritismo. Iniiwasan din nila ang mga palabas na may mga zombie, bampira, at paranormal, o kababalaghan. “Kung may bahid ito ng espiritismo,” ang sabi ng kabataang si Maria, “hindi ko na ito papanoorin.”a

Isang kabataang lalaki ang nakatanggap ng tawag sa inaakala niyang employer pero ang totoo, kriminal pala ang kausap niya

Kung paanong kaya ng isang kriminal na magkunwaring ibang tao para dayain ka, nagkukunwari din ang mga demonyo na sila ang namatay mong mahal sa buhay

Ang puwede mong gawin

  • Maging determinadong iwasan ang anumang gawain o libangan na may bahid ng okultismo para “magkaroon ng malinis na konsensiya” sa harap ni Jehova.—Gawa 24:16.

  • Itapon o i-delete ang anumang pag-aari mo na may kinalaman sa okultismo. Basahin ang Gawa 19:19, 20, at pansinin ang halimbawang ipinakita ng unang-siglong mga Kristiyano.

Tandaan: Kapag iniiwasan mo ang mga gawain at libangan na may kinalaman sa okultismo, sinusuportahan mo si Jehova at pinasasaya mo siya!—Kawikaan 27:11.

Ang sinasabi ng ibang kabataan

Brandon

“Marami sa palabas na pambata ay tungkol sa magic, pangkukulam, mga engkanto, at iba pa na may kinalaman sa espiritismo. Pero sinasabi sa Deuteronomio 18:10 na hindi dapat makita ang ganitong bagay sa sinuman sa atin. Ibig sabihin, hindi rin ito dapat makita sa ating mga libangan.”—Brandon.

Rose

“Kung ang palabas sa TV o isang pelikula ay may espiritismo, maging matatag na hindi ito panoorin, puwede mong sabihin sa mga kaibigan mo na ayaw mo sa pinapanood ninyo. Mas mabuti ang isang malinis na budhi kaysa sa anumang palabas sa TV o pelikula.”—Rose.

a Hindi naman lahat ng kuwentong kathang-isip ay nagtataguyod ng espiritismo. Kaya kailangang gamitin ng mga Kristiyano ang kanilang konsensiya na sinanay sa Bibliya para maiwasan ang anumang gawain o libangan na may bahid ng espiritismo.—2 Corinto 6:17; Hebreo 5:14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share