-
MateoTulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
-
1. Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Pagdalaw ng mga astrologo at planong pagpatay ni Herodes (gnj 1 50:25–55:52)
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Betlehem ng Judea: Dahil may isa pang Betlehem sa teritoryo ng Zebulon (Jos 19:10, 15), ang bayang ito sa Juda (Judea) ay kadalasang tinatawag na “Betlehem ng Juda” (Huk 17:7-9; 19:1, 2, 18). Lumilitaw na dati itong tinatawag na Eprat, o Eprata, kaya naman sinasabi sa Mik 5:2 na ang Mesiyas ay magmumula sa “Betlehem Eprata.”—Gen 35:19; 48:7.
Herodes: Tumutukoy kay Herodes na Dakila.—Tingnan sa Glosari.
mga astrologo: Sa Griego, maʹgoi (ang anyong pangmaramihan ng maʹgos); malamang na tumutukoy sa mga eksperto sa astrolohiya at iba pang espiritistikong gawain na hinahatulan sa Banal na Kasulatan. (Deu 18:10-12) Hindi sinasabi ng Bibliya kung ilan sila. Ang terminong Griego ay isinaling “mangkukulam” sa Gaw 13:6, 8 at ito rin ang ginamit sa Septuagint para sa salitang Hebreo at Aramaiko na isinaling “salamangkero” sa Dan 2:2, 10.
-