-
Mateo 6:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 “Dahil dito ay sinasabi ko sa inyo: Huwag na kayong mabalisa+ tungkol sa inyong mga kaluluwa kung ano ang inyong kakainin o kung ano ang inyong iinumin, o tungkol sa inyong mga katawan kung ano ang inyong isusuot.+ Hindi ba higit na mahalaga ang kaluluwa kaysa sa pagkain at ang katawan kaysa sa pananamit?+
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Huwag na kayong mag-alala: Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay nagsasabing ihinto ang isang bagay na kasalukuyan nang nangyayari. Ang terminong Griego para sa “mag-alala” ay puwedeng tumukoy sa pagkabahala ng isang tao na nagiging dahilan para mahati ang isip niya, mawala siya sa pokus, at mawalan ng kagalakan. Lumitaw rin ang salitang ito sa Mat 6:27, 28, 31, 34.
buhay: Mula sa salitang Griego na psy·kheʹ, na isinasalin kung minsan na “kaluluwa.” Dahil magkasamang binanggit dito ang buhay at katawan, tumutukoy ito sa buong pagkatao ng isa.
-