-
1. Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Dinala si Jesus sa templo para iharap kay Jehova (gnj 1 43:56–45:02)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naghain sila: Sa Kautusang Mosaiko, nananatiling marumi sa seremonyal na paraan ang isang babae sa loob ng itinakdang haba ng panahon pagkapanganak niya. Pagkatapos nito, isang handog na sinusunog at isang handog para sa kasalanan ang ihahain para sa kaniya.—Lev 12:1-8.
Kautusan ni Jehova: Tingnan ang study note sa Luc 2:23 at introduksiyon sa Ap. C3; Luc 2:24.
isang pares ng batubato o dalawang inakáy ng kalapati: Sa Kautusan, ang mahihirap na babae ay puwedeng maghandog ng mga ibon sa halip na tupa, na di-hamak na mas mahal. (Lev 12:6, 8) Maliwanag, mahirap lang sina Jose at Maria nang panahong ito. Ipinapakita lang nito na dumalaw ang mga astrologo kay Jesus, hindi noong pagkapanganak sa kaniya, kundi noong malaki-laki na siya. (Mat 2:9-11) Kung natanggap na nina Jose at Maria ang mamahaling mga regalo ng mga lalaking iyon, makakabili sana sila ng tupa para ihandog sa templo.
-