-
Juan 11:33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 Nang makita ni Jesus na umiiyak si Maria, pati na ang mga kasama nitong Judio, parang kinurot ang puso niya at nalungkot siya nang husto.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
umiiyak: Ang salitang Griego para sa “umiiyak” ay madalas na tumutukoy sa pag-iyak nang malakas. Ito rin ang pandiwang ginamit para kay Jesus nang ihula niya ang pagkawasak ng Jerusalem.—Luc 19:41.
parang kinurot ang puso niya at nalungkot siya nang husto: Dalawang salita ang ginamit dito sa orihinal na wika, at idiniriin nito ang tindi ng naramdaman ni Jesus sa pagkakataong ito. Ang pandiwang Griego na isinaling “parang kinurot ang puso” (em·bri·maʹo·mai) ay karaniwan nang tumutukoy sa matinding emosyon na gaya ng galit; pero sa kontekstong ito, lumilitaw na hindi galít si Jesus, kundi nabagbag siya. Ang salitang Griego naman para sa “nalungkot nang husto” (ta·rasʹso) ay literal na nangangahulugang “nabulabog.” Sa kontekstong ito, sinabi ng isang iskolar na nangangahulugan itong “maligalig ang kalooban; maapektuhan ng matinding kirot o lungkot.” Ito rin ang pandiwang ginamit sa Ju 13:21 para ilarawan ang naramdaman ni Jesus nang maisip niya ang gagawing pagtatraidor ni Hudas.—Tingnan ang study note sa Ju 11:35.
puso: Lumilitaw na ang terminong Griego na pneuʹma, na isinalin ditong “puso,” ay tumutukoy sa puwersang nagmumula sa puso ng isang tao at nagpapakilos sa kaniya na sabihin o gawin ang isang bagay.—Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
-