Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 18:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Sumagot si Jesus:+ “Ang Kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.+ Kung ang Kaharian ko ay bahagi ng sanlibutang ito, lumaban sana ang mga tagasunod* ko para hindi ako madakip ng mga Judio.+ Pero ang totoo, hindi nagmumula rito ang Kaharian ko.”

  • Juan 18:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Sumagot si Jesus:+ “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.+ Kung ang kaharian ko ay bahagi ng sanlibutang ito, lumaban sana ang mga tagapaglingkod ko+ upang hindi ako maibigay sa mga Judio. Ngunit, ang totoo, ang kaharian ko ay hindi nagmumula rito.”

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 18:36

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 31

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      6/2018, p. 4-5

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 206

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 741

      Jesus—Ang Daan, p. 292

      Ang Bantayan,

      11/1/2002, p. 15-16

      2/1/1992, p. 5-6

      12/15/1990, p. 8

      Sambahin ang Diyos, p. 160-161

      Tagapaghayag, p. 189-190

      Mabuhay Magpakailanman, p. 115-116

      Gumising!,

      12/22/1988, p. 24

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18:36

      Ang Kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito: Hindi direktang sinagot ni Jesus ang tanong ni Pilato na “Ano ba ang ginawa mo?” (Ju 18:35) Nagpokus siya sa unang tanong ni Pilato, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” (Ju 18:33) Sa maikling sagot ni Jesus, tatlong beses niyang binanggit ang Kaharian kung saan siya aatasan bilang Hari. Sinabi niyang “hindi bahagi ng sanlibutang ito” ang Kaharian niya para linawin na hindi galing sa tao ang Kahariang iyon. Kaayon ito ng naunang mga pagtukoy sa Kahariang iyon, gaya ng “Kaharian ng langit” o “Kaharian ng Diyos.” (Mat 3:2; Mar 1:15) Sinabi rin ni Jesus na ang mga alagad niya ay “hindi . . . bahagi ng sanlibutan,” na tumutukoy sa di-matuwid na lipunan ng tao na hiwalay sa Diyos at sa mga lingkod niya. (Ju 17:14, 16) Makikita rin sa sinabi ni Jesus kay Pedro nang gabing iyon na hindi dapat makipaglaban ang mga tagasunod niya para ipagtanggol siya gaya ng gagawin ng mga tagasuporta ng isang taong hari.—Mat 26:51, 52; Ju 18:11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share