-
Juan 19:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Sumagot si Jesus: “Kung hindi ka binigyan ng Diyos ng awtoridad, wala ka sanang awtoridad sa akin. Kaya mas malaki ang kasalanan ng taong nagbigay sa akin sa kamay mo.”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Kung hindi ka binigyan ng Diyos ng awtoridad: O “Kung wala kang awtoridad galing sa langit.” Ang salitang Griego dito na aʹno·then ay isinalin namang “mula sa itaas” sa San 1:17; 3:15, 17. Ginamit din ang terminong ito sa Ju 3:3, 7, kung saan puwede itong isaling “muli” at “mula sa itaas.”—Tingnan ang study note sa Ju 3:3.
taong: Malamang na hindi lang iisang indibidwal ang tinutukoy dito ni Jesus, kundi lahat ng taong sangkot sa pagpatay sa kaniya. Kasama dito si Hudas Iscariote, “ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin,” pati na rin ang “mga tao” na nasulsulang hilingin ang paglaya ni Barabas.—Mat 26:59-65; 27:1, 2, 20-22; Ju 18:30, 35.
-