Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 12:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Pagkatapos pag-isipan ito, pumunta siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na tinatawag na Marcos,+ kung saan marami ang nagtitipon at nananalangin.

  • Gawa 12:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At pagkatapos niyang mapag-isipan ito, pumaroon siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na may huling pangalang Marcos,+ kung saan marami ang nagtitipon at nananalangin.

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 12:12

      Lubusang Magpatotoo, p. 18, 80, 118

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 804-805

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 306-308, 317

      Ang Bantayan,

      3/15/2010, p. 6-7

      2/1/2008, p. 24

      3/1/2000, p. 16

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12:12

      bahay ni Maria: Lumilitaw na ang kongregasyon sa Jerusalem ay nagtitipon noon sa bahay ni Maria na ina ni Juan Marcos. Malaki ang bahay na ito dahil kasya rito ang ‘maraming’ mananamba, at mayroon ditong isang alilang babae. Kaya posibleng maykaya si Maria. (Gaw 12:13) Posible ring biyuda na siya dahil tinawag ang tirahan niya na “bahay ni Maria” at hindi binanggit ang asawa niya.

      Juan na tinatawag na Marcos: Isa sa mga alagad ni Jesus na “pinsan ni Bernabe” (Col 4:10) at ang manunulat ng Ebanghelyo ni Marcos. (Tingnan ang study note sa Mar Pamagat.) Ang pangalang Juan ay katumbas ng pangalang Hebreo na Jehohanan o Johanan, na nangangahulugang “Si Jehova ay Nagpakita ng Lingap; Si Jehova ay Nagmagandang-Loob.” Sa Gaw 13:5, 13, ang alagad na ito ay tinatawag lang na Juan. Pero dito at sa Gaw 12:25; 15:37, binanggit din ang Romanong apelyido niya na Marcos. Sa iba pang bahagi ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, Marcos lang ang tawag sa kaniya.—Col 4:10; 2Ti 4:11; Flm 24; 1Pe 5:13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share