-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Daan: Gaya ng makikita sa study note sa Gaw 9:2, ang ekspresyong “Daan” ay tumutukoy sa kongregasyong Kristiyano noon. Ang tunay na Kristiyanismo ay hindi lang pormalidad o pakitang-taong pagsamba. Isa itong paraan ng pamumuhay na nakasentro sa pagsamba sa Diyos at ginagabayan ng kaniyang espiritu. (Ju 4:23, 24) Ang mababasa sa Syriac na Peshitta ay “daan ng Diyos”; ang mababasa naman sa Latin na Vulgate na nirebisa ni Clement ay “daan ng Panginoon.” At sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J17, 18 sa Ap. C4), ginamit ang pangalan ng Diyos at ang mababasa ay “daan ni Jehova.”
-