-
2 Corinto 4:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Kaya hindi tayo sumusuko; kahit ang katawan natin ay nanghihina, ang puso at isip natin ay nagkakaroon ng panibagong lakas araw-araw.
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang katawan natin: Ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang pisikal na katawan ng mga Kristiyano, na nanghihina posibleng dahil sa sakit, kapansanan, at pagtanda, pati na dahil sa pagmamaltrato o iba pang pagdurusa.
ang puso at isip natin ay nagkakaroon ng panibagong lakas: Idiniriin dito ni Pablo na kahit “nanghihina” ang katawan ng mga naglilingkod kay Jehova, binibigyan sila ng Diyos araw-araw ng panibagong lakas sa espirituwal. (Aw 92:12-14) “Ang puso at isip” ay tumutukoy sa ating espirituwalidad, pagkatao, at katatagan. Kaugnay ito ng “bagong personalidad” na isinusuot ng mga Kristiyano. (Col 3:9, 10) Pinayuhan ni Pablo ang mga Kristiyano na magpokus sa “mga bagay na di-nakikita,” ang napakagandang gantimpala sa hinaharap na ipinangako ng Diyos.—Tingnan ang study note sa 2Co 4:18.
-