Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 5:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Kung gayon, mga embahador kami+ na humahalili kay Kristo,+ na para bang nakikiusap ang Diyos sa pamamagitan namin. Bilang mga kahalili ni Kristo, nakikiusap kami: “Makipagkasundo kayo sa Diyos.”

  • 2 Corinto 5:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Kami+ samakatuwid ay mga embahador+ na humahalili para kay Kristo,+ na para bang ang Diyos ay namamanhik sa pamamagitan namin.+ Bilang mga kahalili para kay Kristo ay nagsusumamo kami:+ “Makipagkasundo kayo sa Diyos.”

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 5:20

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 689-690

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 761-762

      Manatili sa Pag-ibig, p. 61-62

      Pag-ibig ng Diyos, p. 51-52

      Ang Bantayan,

      12/15/2010, p. 12-14

      11/1/2002, p. 16-17

      12/15/1998, p. 18

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:20

      mga embahador kami: Tinawag dito ni Pablo ang sarili niya at ang mga kamanggagawa niya na “mga embahador . . . na humahalili kay Kristo.” Noong panahon ng Bibliya, nagpapadala ng mga embahador at iba pang mensahero sa iba’t ibang dahilan. Halimbawa, kapag may gulo, ipinapadala ang mga embahador para makita kung puwede pang maiwasan ang digmaan o para makipagpayapaan kapag may digmaan na. (Isa 30:1-4; 33:7) Noong panahon ni Pablo, ang mga bayan, lunsod, o lalawigan ng Imperyo ng Roma ay nagpapadala ng mga embahador sa Roma para patibayin ang kaugnayan nila dito, tumanggap ng tulong, o humingi ng pabor. Dalawang beses lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang pandiwang Griego para sa “maging embahador” (pre·sbeuʹo), dito at sa Efe 6:19, 20, kung saan tinawag ni Pablo ang sarili niya na embahador ng mabuting balita. Sa Luc 14:32 at 19:14, ang kaugnay nitong pangngalan na pre·sbeiʹa ay isinaling “grupo ng mga embahador.” Ang dalawang terminong ito ay parehong kaugnay ng salitang pre·sbyʹte·ros, na nangangahulugang “matandang lalaki.”—Mat 16:21; Gaw 11:30.

      na humahalili kay Kristo: O “sa ngalan ni Kristo.” Matapos buhaying muli si Kristo tungo sa langit, ang kaniyang tapat na mga tagasunod ay inatasan bilang “mga embahador . . . na humahalili kay Kristo.” Isinugo sila sa mga taong hiwalay sa Kataas-taasang Diyos na si Jehova—una ay sa mga Judio at pagkatapos ay sa ibang mga bansa. Ang mga pinahirang Kristiyano na ito ay nagsisilbing embahador sa mga taong kaaway ng Diyos. (Ju 14:30; 15:18, 19; San 4:4) Sa liham ni Pablo sa mga taga-Efeso, na isinulat niya noong unang beses siyang mabilanggo sa Roma (mga 59-61 C.E.), tinawag niya ang sarili niyang “nakatanikalang embahador.”—Efe 6:20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share