1 Timoteo
3 Ang kapahayagang iyon ay tapat.+ Kung ang sinumang lalaki ay umaabot sa katungkulan ng tagapangasiwa,+ siya ay nagnanasa ng isang mainam na gawa. 2 Ang tagapangasiwa kung gayon ay dapat na di-mapupulaan,+ asawa ng isang babae, katamtaman+ ang mga pag-uugali, matino ang pag-iisip,+ maayos,+ mapagpatuloy,+ kuwalipikadong magturo,+ 3 hindi lasenggong basag-ulero,+ hindi nambubugbog,+ kundi makatuwiran,+ hindi palaaway,+ hindi maibigin sa salapi,+ 4 isang lalaking namumuno sa kaniyang sariling sambahayan sa mahusay na paraan,+ may mga anak na nagpapasakop nang buong pagkaseryoso;+ 5 (kung hindi nga alam ng sinumang lalaki kung paano mamuno sa kaniyang sariling sambahayan, paano niya aalagaan ang kongregasyon ng Diyos?) 6 hindi bagong kumberteng lalaki,+ dahil baka magmalaki siya+ at mahulog sa hatol na ipinataw sa Diyablo.+ 7 Isa pa, dapat din siyang magkaroon ng mainam na patotoo mula sa mga tao sa labas,+ upang hindi siya mahulog sa kadustaan at sa silo+ ng Diyablo.
8 Ang mga ministeryal na lingkod+ ay dapat ding maging seryoso, hindi dalawang-dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi sakim sa di-tapat na pakinabang,+ 9 nanghahawakan sa sagradong lihim+ ng pananampalataya taglay ang isang malinis na budhi.+
10 Gayundin naman, subukin+ muna ang mga ito kung sila ay karapat-dapat, pagkatapos ay paglingkurin sila bilang mga ministro, kung sila ay malaya sa akusasyon.+
11 Ang mga babae ay dapat ding maging seryoso, hindi naninirang-puri,+ katamtaman+ ang mga pag-uugali, tapat sa lahat ng mga bagay.+
12 Ang mga ministeryal na lingkod ay maging mga asawa ng isang babae,+ na namumuno sa mahusay na paraan sa mga anak at sa kanilang sariling mga sambahayan.+ 13 Sapagkat ang mga lalaki na naglilingkod sa mahusay na paraan ay nagtatamo sa kanilang sarili ng isang mainam na katayuan+ at malaking kalayaan sa pagsasalita+ sa pananampalataya may kaugnayan kay Kristo Jesus.
14 Isinusulat ko sa iyo ang mga bagay na ito, bagaman umaasa akong makapariyan sa iyo sa di-kalaunan,+ 15 ngunit sakaling ako ay maantala, upang malaman mo kung paano ka dapat gumawi sa sambahayan ng Diyos,+ na siyang kongregasyon ng Diyos na buháy, isang haligi at suhay+ ng katotohanan. 16 Tunay nga, ang sagradong lihim+ ng makadiyos na debosyong ito ay kinikilalang dakila: ‘Siya ay nahayag sa laman,+ ipinahayag na matuwid sa espiritu,+ nagpakita sa mga anghel,+ ipinangaral sa gitna ng mga bansa,+ pinaniwalaan sa sanlibutan,+ tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.’+