Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 4:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pero ang Panginoon ay tumayong malapit sa akin at pinalakas niya ako para lubusan kong maipangaral ang mensahe at marinig ito ng lahat ng bansa;+ at iniligtas niya ako sa bibig ng leon.+

  • 2 Timoteo 4:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 ngunit ang Panginoon ay tumayong malapit sa akin+ at nagbigay ng kapangyarihan sa akin,+ upang sa pamamagitan ko ay magampanan nang lubusan ang pangangaral at marinig ito ng lahat ng mga bansa;+ at ako ay iniligtas mula sa bibig ng leon.+

  • 2 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:17

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 201, 1312

      Ang Bantayan,

      4/15/2015, p. 24-26, 28

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:17

      ang Panginoon ay tumayong malapit sa akin: Lumilitaw na si Jesu-Kristo ang tinutukoy dito ni Pablo na “Panginoon” na ‘nagpalakas’ sa kaniya. (Tingnan din ang 1Ti 1:12.) Pero siyempre, ang Diyos na Jehova ang Pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan; pinalalakas niya ang mga lingkod niya sa pamamagitan ni Jesu-Kristo.—Isa 40:26, 29; Fil 4:13; 2Ti 1:7, 8; tingnan din ang study note sa 2Ti 2:1.

      iniligtas niya ako sa bibig ng leon: Hindi tiyak kung literal o makasagisag ang ekspresyong ito. (Ihambing ang study note sa 1Co 15:32.) Kung totoong mga leon ang tinutukoy ni Pablo, pareho sila ng naranasan ni Daniel nang iligtas ito ni Jehova. (Dan 6:16, 20-22) Pero maraming iskolar ang naniniwalang dahil mamamayan ng Roma si Pablo, hindi siya maipapapatay sa mga leon. Kaya ang ekspresyong “bibig ng leon” ay puwedeng tumukoy sa isang mapanganib na sitwasyon. (Ihambing ang Aw 7:2; 35:17.) Posibleng kinuha ito ni Pablo sa sinabi ni David sa Aw 22:21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share