-
2 Timoteo 4:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Sikapin mong makarating bago magtaglamig.
Kinukumusta ka ni Eubulo, pati nina Pudente, Lino, at Claudia at ng lahat ng kapatid.
-
-
2 Timoteo 4:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Gawin mo ang iyong buong makakaya na makarating bago ang taglamig.
Si Eubulo ay nagpapadala sa iyo ng kaniyang mga pagbati, at gayundin naman sina Pudente at Lino at Claudia at ang lahat ng mga kapatid.
-
-
Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Sikapin mong makarating bago magtaglamig: Gusto ni Pablo na maglakbay si Timoteo sa Roma bago magtaglamig, malamang na dahil mapanganib nang magbiyahe sa mga buwang ito. Sa Mediteraneo noon, walang gaanong naglalayag sa pagtatapos ng taglagas, sa panahon ng taglamig, at sa pagsisimula ng tagsibol dahil panahon ito ng malalakas na bagyo. (Gaw 27:9-44; tingnan din sa Media Gallery, “Mga Gawa ng mga Apostol—Paglalakbay ni Pablo sa Roma at Unang Pagkabilanggo Niya Doon.”) Mas mahirap din ang paglalayag dahil sa makapal na ulap na may kasamang ulan, niyebe, at hamog. Walang kompas ang mga marinero kaya umaasa lang sila sa posisyon ng mga isla o bundok, pati na ng araw, buwan, at mga bituin. Isa pa, kung makakarating si Timoteo bago magtaglamig at madala na niya kay Pablo ang balabal nito na naiwan sa Troas, makakatulong iyon sa apostol na hindi masyadong ginawin sa taglamig habang nakabilanggo.—2Ti 4:13; tingnan din sa Media Gallery, ‘Dalhin Mo ang Balabal.’
-