Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
  • Ngayon

Huwebes, Oktubre 23

Maging matibay sana ang pagkakaugat ninyo at pagkakatatag sa pundasyon.​—Efe. 3:17.

Bilang mga Kristiyano, hindi tayo kontento sa mga pangunahing turo ng Bibliya. Gustong-gusto nating malaman “maging ang malalalim na bagay ng Diyos” sa tulong ng banal na espiritu niya. (1 Cor. 2:​9, 10) Kaya mag-isip ng isang study project na mas magpapalapit sa iyo kay Jehova. Halimbawa, puwede mong pag-aralan kung paano siya nagpakita ng pag-ibig sa mga lingkod niya noon at kung paano nito pinapatunayan na mahal ka rin niya. Puwede mo ring alamin kung paano sinasamba ng mga Israelita noon si Jehova at ikumpara ito sa kaayusan ng mga Kristiyano ngayon. O baka puwede mong suriin ang mga hulang natupad kay Jesus noong nasa lupa siya. Mag-e-enjoy kang pag-aralan ang mga ito gamit ang Watch Tower Publications Index o ang Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova. Kung pag-aaralan mong mabuti ang Bibliya, titibay ang pananampalataya mo at “matatagpuan mo ang kaalaman tungkol sa Diyos.”​—Kaw. 2:​4, 5. w23.10 19 ¶3-5

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Biyernes, Oktubre 24

Higit sa lahat, magkaroon kayo ng masidhing pag-ibig sa isa’t isa, dahil ang pag-ibig ay nagtatakip ng maraming kasalanan.​—1 Ped. 4:8.

Ang salitang ginamit ni apostol Pedro para sa ‘masidhi’ ay literal na nangangahulugang “banat na banat.” Sa ikalawang bahagi naman ng talata, binanggit ang epekto ng masidhing pag-ibig natin—matatakpan nito ang mga kasalanan ng mga kapatid. Isipin na ang pag-ibig natin ay gaya ng isang nababanat na tela. Binabanat natin ito nang binabanat hanggang sa kaya na nitong takpan, hindi lang isa o dalawa, kundi “maraming kasalanan.” Ang ibig sabihin dito ng takpan ay patawarin. Gaya ng isang tela na kayang takpan ang mantsa, kaya ring takpan ng pag-ibig ang mga kahinaan at pagkakamali ng iba. Dapat na mahal na mahal natin ang mga kapatid para mapatawad natin ang mga pagkakamali nila—kahit napakahirap nitong gawin kung minsan. (Col. 3:13) Kapag nagpapatawad tayo, naipapakita nating masidhi ang pag-ibig natin at na gusto nating mapasaya si Jehova. w23.11 10-12 ¶13-15

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Sabado, Oktubre 25

Binasa iyon ni Sapan sa harap ng hari.​—2 Cro. 34:18.

Noong 26 na si Haring Josias, ipinaayos niya ang templo. Habang ginagawa ito, natagpuan ang “aklat ng Kautusan ni Jehova na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.” Nang basahin ito sa harap ng hari, kumilos siya agad para masunod ito. (2 Cro. 34:​14, 19-21) Regular mo bang binabasa ang Bibliya? Kung oo, nae-enjoy mo ba ito? Tinatandaan mo ba ang mga teksto na makakatulong sa iyo? Noong mga 39 na si Josias, may nagawa siyang pagkakamali na naging dahilan ng kamatayan niya. Nagtiwala siya sa sarili niya imbes na humingi ng patnubay kay Jehova. (2 Cro. 35:​20-25) Ang aral? Anuman ang edad natin o kahit gaano na tayo katagal na nag-aaral ng Bibliya, dapat na patuloy pa rin nating hanapin si Jehova. Kaya lagi tayong manalangin para sa patnubay niya, mag-aral ng Salita niya, at makinig sa payo ng mga kapatid na mahusay sa espirituwal. Kung gagawin natin iyan, malamang na maiwasan nating makagawa ng malaking pagkakamali at magiging mas masaya tayo.​—Sant. 1:25. w23.09 12 ¶15-16

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share