Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
Patalastas
Bagong wikang available: Betsileo
  • Ngayon

Sabado, Oktubre 25

Binasa iyon ni Sapan sa harap ng hari.​—2 Cro. 34:18.

Noong 26 na si Haring Josias, ipinaayos niya ang templo. Habang ginagawa ito, natagpuan ang “aklat ng Kautusan ni Jehova na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.” Nang basahin ito sa harap ng hari, kumilos siya agad para masunod ito. (2 Cro. 34:​14, 19-21) Regular mo bang binabasa ang Bibliya? Kung oo, nae-enjoy mo ba ito? Tinatandaan mo ba ang mga teksto na makakatulong sa iyo? Noong mga 39 na si Josias, may nagawa siyang pagkakamali na naging dahilan ng kamatayan niya. Nagtiwala siya sa sarili niya imbes na humingi ng patnubay kay Jehova. (2 Cro. 35:​20-25) Ang aral? Anuman ang edad natin o kahit gaano na tayo katagal na nag-aaral ng Bibliya, dapat na patuloy pa rin nating hanapin si Jehova. Kaya lagi tayong manalangin para sa patnubay niya, mag-aral ng Salita niya, at makinig sa payo ng mga kapatid na mahusay sa espirituwal. Kung gagawin natin iyan, malamang na maiwasan nating makagawa ng malaking pagkakamali at magiging mas masaya tayo.​—Sant. 1:25. w23.09 12 ¶15-16

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Linggo, Oktubre 26

Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas, pero nagpapakita siya ng walang-kapantay na kabaitan sa mga mapagpakumbaba.​—Sant. 4:6.

Maraming halimbawa sa Bibliya ng mahuhusay na babae. Mahal nila si Jehova, at naglingkod sila sa kaniya. “May kontrol [sila] sa kanilang paggawi” at “tapat [sila] sa lahat ng bagay.” (1 Tim. 3:11) Bukod sa kanila, may mga sister din sa kongregasyon na magandang tularan. Mga kabataang sister, may kilala ba kayong mga may-gulang na sister na gusto ninyong tularan? Isipin ang magagandang katangian nila at kung paano mo rin maipapakita ang mga iyon. Para maging may-gulang na Kristiyano, mahalaga ang kapakumbabaan. Kung mapagpakumbaba ang isang sister, magiging malapít siya kay Jehova at sa iba. Halimbawa, dahil mahal ng isang sister si Jehova, magiging mapagpakumbaba siya at susuportahan niya ang kaayusan ni Jehova sa pagkaulo. (1 Cor. 11:3) Kailangang sundin ang kaayusang iyan sa kongregasyon at sa pamilya. w23.12 19 ¶3-5

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Lunes, Oktubre 27

Dapat mahalin ng mga asawang lalaki ang kanilang asawang babae na gaya ng sarili nilang katawan.​—Efe. 5:28.

Inaasahan ni Jehova sa isang brother na mahalin ang asawa niya at ilaan ang pisikal, emosyonal, at espirituwal na pangangailangan nito. Makakatulong sa iyo ang kakayahang mag-isip, respeto sa mga babae, at pagiging maaasahan, para maging mabuting asawa. Kapag nag-asawa ka na, puwede kang magkaroon ng anak. Ano ang matututuhan mo kay Jehova sa pagiging mabuting ama? (Efe. 6:4) Hayagang sinabi ni Jehova sa Anak niyang si Jesus na mahal Niya siya at sinasang-ayunan. (Mat. 3:17) Kung sakaling magkaroon ka ng mga anak, lagi mong sabihin at ipadama sa kanila na mahal mo sila. Lagi mo silang purihin sa magagandang bagay na nagagawa nila. Kung tutularan ng mga tatay si Jehova, matutulungan nila ang mga anak nila na maging mahuhusay na Kristiyano. Magiging handa ka sa pananagutang ito kung ngayon pa lang, mamahalin mo na ang mga kapamilya at kakongregasyon mo at sasabihin mo sa kanila na mahal mo sila at pinapahalagahan.​—Juan 15:9. w23.12 28-29 ¶17-18

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share