HULYO 21-27
KAWIKAAN 23
Awit Blg. 97 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Mga Prinsipyo Tungkol sa Pag-inom ng Alak
(10 min.)
Kung iinom ka ng alak, huwag sobrahan (Kaw 23:20, 21; w04 12/1 19 ¶5-6)
Tandaan ang masasamang epekto ng paglalasing (Kaw 23:29, 30, 33-35; it-1 1352)
Huwag isiping hindi makakapinsala sa iyo ang alak (Kaw 23:31, 32)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Kaw 23:21—Ano ang pagkakaiba ng katakawan sa sobrang katabaan? (w04 11/1 31 ¶2)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Kaw 23:1-24 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 3: #5)
5. Pagdalaw-Muli
(5 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakita kung paano ginagawa ang Bible study. (lmd aralin 9: #5)
6. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) Patibayin ang Bible study mo na nahihirapang ihinto ang isang bisyo. (lmd aralin 12: #4)
Awit Blg. 35
7. Maglalabas Ba Ako ng Alak?
(8 min.) Pagtalakay.
Kapag may okasyon, gaya ng kasalan, angkop ba na maglabas ng alak? Personal na desisyon iyan, pero may makakatulong na mga prinsipyo sa Bibliya na dapat pag-isipang mabuti. Dapat ding isaalang-alang ang iba pang mahahalagang bagay.
I-play ang VIDEO na Maglalabas Ba Ako ng Alak? Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Kapag nagsasaayos ka ng isang okasyon, paano makakatulong sa iyo ang sumusunod na mga prinsipyo sa Bibliya para makapagpasiya kung maglalabas ka ng alak?
Ju 2:9—Sa isang kasalan, ginawang alak ni Jesus ang tubig.
1Co 6:10—Ang mga “lasenggo . . . ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.”
1Co 10:31, 32—“Kaya kumakain man kayo o umiinom . . . , gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos. Iwasan ninyong maging katitisuran.”
Ano ang ilang bagay na dapat nating pag-isipan?
Paano makakatulong sa atin ang “kakayahan sa pangangatuwiran” para makagawa ng tamang desisyon base sa iba’t ibang prinsipyo sa Bibliya?—Ro 12:1; Ec 7:16-18
8. Lokal na Pangangailangan
(7 min.)
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 2, intro sa seksiyon 2, at aral 3