PAMAHID SA MATA
Isang substansiya na ipinapahid sa mga mata dahil sa mga katangian nitong nakapagpapagaling; ginamit sa Bibliya sa makasagisag na diwa. Sa kongregasyon ng Laodicea, ang mga Kristiyanong bulag sa espirituwal na paraan ay hinimok na bumili ng ‘pamahid sa mata, na ipapahid sa kanilang mga mata upang makakita sila.’ (Apo 3:17, 18) Ang salitang Griego para sa pamahid sa mata (kol·louʹri·on) ay literal na nangangahulugang isang rolyo o limpak ng magaspang na tinapay, anupat nagpapahiwatig na malamang na ang pamahid ay nasa anyong maliliit na limpak o rolyo. Yamang bantog ang Laodicea dahil sa paaralan nito sa medisina at malamang na ito rin ang gumawa ng gamot sa mata na kilala bilang pulbos ng Frigia, tiyak na naging lubhang makahulugan sa mga Kristiyano roon ang rekomendasyon na bumili sila ng pamahid sa mata.