Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pinaasim na Masa”
  • Pinaasim na Masa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinaasim na Masa
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Lebadura
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Masahan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pinananatiling Abala ang Mumunting mga Kamay
    Gumising!—1985
  • Lebadura; Pampaalsa
    Glosari
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pinaasim na Masa”

PINAASIM NA MASA

[sa Ingles, sourdough].

Isang piraso ng masa na ibinukod sa loob ng isang araw o mahigit pa at hinayaang umasim. Ang terminong Hebreo na seʼorʹ ay tumutukoy sa ganitong pinaasim na masa at nangangahulugang “pinakasim o may-lebadurang masa.” Idinaragdag ang pinaasim na masa sa mga bagong masa at mabilis nitong pinaaalsa ang mga iyon.

Noon, gumagamit ang mga Israelita ng pinaasim na masa kapag gumagawa sila ng tinapay na may lebadura. Karaniwan na, ang limpak ng masa na itinira mula sa nagdaang pagluluto ng tinapay ay tinutunaw muna sa tubig na nasa masahan bago idagdag ang harina, o kaya’y maaari itong ilagay sa harina at saka minamasang kasama niyaon. Waring tinutukoy ni Jesu-Kristo ang huling nabanggit na pamamaraan nang sabihin niya: “Ang kaharian ng langit ay tulad ng lebadura, na kinuha ng isang babae at itinago sa tatlong malalaking takal ng harina, hanggang sa mapaalsa ang buong limpak.” (Mat 13:33; Luc 13:20, 21) Bagaman wala namang tuwirang katibayan, iminumungkahi na ginamit din ng mga Judio ang latak ng alak bilang yeast o pampaalsa.

Ang mga handog na mga butil ng Israel na pararaanin sa apoy para kay Jehova ay hindi dapat gamitan ng pinaasim na masa. (Lev 2:11) Gayundin, tuwirang inutusan ang mga Israelita na huwag magkaroon ng pinaasim na masa (dito ay maliwanag na isang sagisag ng kasiraan at kasamaan) sa kanilang mga tahanan o sa mga hangganan ng kanilang teritoryo sa panahon ng pitong-araw na Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. (Exo 12:15; 13:7; Deu 16:4) Sinumang kakain ng bagay na may lebadura sa panahong iyon ay “lilipulin mula sa kapulungan ng Israel.”​—Exo 12:19.

Sa sinaunang Ehipto, kinaugalian ding magbukod ng masa kapag nagluluto ng tinapay, anupat ginagamit ang mga ito bilang lebadura para sa bagong-gawang masa. Maging sa ngayon, ang ilang taga-Ciprus, halimbawa, ay nagbubukod ng isang piraso ng masa sa isang mainit na dako pagkatapos nilang masahin ang harina. Pagkalipas ng 36 hanggang 48 oras, magagamit na iyon bilang pampaalsa ng isang buong limpak ng bagong masa.

Maaaring pinaasim na masa ang nasa isip ni Pablo nang himukin niya ang mga taga-Corinto: “Alisin ninyo ang lumang lebadura [sa Gr., zyʹmen], upang kayo ay maging isang bagong limpak, yamang sa inyo ay walang pampaalsa.”​—1Co 5:7; tingnan ang LEBADURA.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share