Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Ang Gawaing Panghuhula Nina Elias at Eliseo”
  • Ang Gawaing Panghuhula Nina Elias at Eliseo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Gawaing Panghuhula Nina Elias at Eliseo
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Elias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Eliseo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ipinagtanggol Niya ang Tunay na Pagsamba
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Magiging Tapat Ka Ba Tulad ni Elias?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Ang Gawaing Panghuhula Nina Elias at Eliseo”

FEATURE

Ang Gawaing Panghuhula Nina Elias at Eliseo

SI Elias ay isang propeta na nanawagan para sa isang pagsubok sa Bundok Carmel upang malaman kung sino ang tunay na Diyos. Sumamâ ang hilagang kaharian dahil sa pagsamba kay Baal. Ngunit buong-tapang na hinamon ni Elias ang 450 propeta ni Baal na patunayang si Baal ang tunay na Diyos. Walang ibinunga ang kanilang matagal at maligalig na pananalangin. Pagkatapos ay inilatag ni Elias ang kaniyang hain, paulit-ulit itong binasâ ng tubig, at nanalangin kay Jehova. Nang biglang bumulusok ang apoy mula sa langit at tupukin nito ang hain at himurin ang tubig, bumulalas ang bayan: “Si Jehova ang tunay na Diyos!” Nang magkagayon, iniutos ni Elias na patayin ang mga propeta ni Baal.​—1Ha 18:18-40.

Gayunpaman, natakot si Elias nang malaman niyang nagpapakana si Reyna Jezebel na patayin siya. Tumakas siya nang mga 150 km (95 mi) patungong Beer-sheba at pagkatapos ay naglakbay pa nang 300 km (190 mi) patungong Bundok Sinai. Hindi itinakwil ni Jehova si Elias nang pansamantalang panghinaan ito ng loob kundi tiniyak sa kaniya na may isasagawa pa siyang gawaing panghuhula.​—1Ha 19:1-18.

Si Eliseo ang humalili kay Elias. Nang palibutan si Eliseo ng mga karong pandigma ng Sirya, natanto niya, dahil sa kaniyang pananampalataya, na ang mga hukbong Siryano ang talagang napalilibutan​—ng napakakapal na hukbo ng mga anghelikong karo!​—2Ha 6:15-17.

MGA LOKASYON SA MAPA—Lakip ang Kaugnay na mga Kasulatan

Abel-mehola

1Ha 19:16

Beer-sheba

1Ha 19:3

Bethel

2Ha 2:1-3, 23, 24

Carmel (Bdk.)

1Ha 18:19-40

Damasco

2Ha 8:7-15

Dotan

2Ha 6:13-18

Ekron

2Ha 1:2-4

Gilgal

2Ha 4:38-41

Ilog Jordan

2Ha 2:6-14

Jerico

2Ha 2:4, 5, 19-22

Jezreel

1Ha 18:45, 46; 21:1, 17-26

Kison (A.L.)

1Ha 18:40

Ramot-gilead

2Ha 9:1-10

Samaria

2Ha 5:1-27; 6:19-23; 7:1-20

Sidon

1Ha 17:8, 9

Sunem

2Ha 4:8-37

Zarepat

1Ha 17:9-24

[Mapa sa pahina 949]

MAPA: Elias at Eliseo

[Larawan sa pahina 950]

Bundok Carmel at ang Dagat Mediteraneo sa likod nito. Dito nangyari ang pagsubok sa apoy na nagpatunay na hindi si Baal kundi si Jehova ang tunay na Diyos (1Ha 18:21-39)

[Larawan sa pahina 950]

Lugar ng Bundok Sinai (Horeb). Tumakas si Elias mula sa poot ni Jezebel nang mga 450 km (285 mi) patungo sa rehiyong ito (1Ha 19:1-18)

[Larawan sa pahina 950]

Tanawin mula sa Tell Dothan. Dito ay makahimalang nakita ni Eliseo at ng kaniyang tagapaglingkod na, bagaman napalilibutan sila ng hukbong militar ng Sirya, ang bulubunduking pook ay punô ng nag-aapoy na mga anghelikong karong pandigma na isinugo ni Jehova (2Ha 6:13-17)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share