Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 4/22 p. 9-10
  • Pagbili ng Kaligayahan Nang Walang Salapi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbili ng Kaligayahan Nang Walang Salapi
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagbili Nang Walang Salapi
  • Ang Halaga ng Kaligayahan
  • Matalinong Paggamit ng Salapi Ngayon
  • Kaligayahan Ngayon​—Isang Katotohanan
  • Balanseng Pananaw sa Pera
    Gumising!—2015
  • Pera o Buhay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Kung Paano Magbabadyet ng Pera
    Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Pera
    Gumising!—2014
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 4/22 p. 9-10

Pagbili ng Kaligayahan Nang Walang Salapi

NAUUHAW pagkatapos maglakad nang malayo sa ilalim ng tropikal na araw, ikaw ay dumating sa isang maliit na nayon. Sa iyong tuwa nakita mo ang isang karatula na nag-aanunsiyong may makukuha roong malamig na mga inumin. At pagkatapos ay natanto mo na wala kang dalang pera upang ibayad sa inumin.

Nakikita ang iyong mahigpit na kalagayan, sabi ng tindera, ‘Sige na, bumili ka ng inumin​—hindi ito magkakahalaga ng anumang salapi.’ Kaagad, nakadama ka ng matinding pagpapasalamat sa mabait na alok na ito. Gayunman, ikaw ay nagtanong, ‘Paano nangyari iyon? Paano ako makabibili nang walang salapi?’

Pagbili Nang Walang Salapi

Bagaman ito ay tila hindi kapani-paniwala, naranasan ito ni Karel at ni Julian na nabanggit sa pahina 3. Inakala nila na ang salapi ay magdudulot sa kanila ng kaligayahan. At gaya ng paliwanag ni Karel: “Binago ng isang pag-aaral sa Bibliya ang aking pangmalas tungkol sa salapi. Ito’y nagbigay ng isang pag-asa tungkol sa buhay na walang-hanggan sa isang lupang paraiso, isang bagay na hindi maaaring tumbasan ng anumang bagay na mabibili ng salapi.” Ganito ang sabi ng dating naghahangad na maging milyonaryong si Julian: “Malapit ko nang maabot ang aking tunguhin nang matutuhan ko ang katotohanan mula sa Bibliya.”

Gayundin naman, inuuna noon ng dating namamahala ng supermarket na si Kiyoshi Tomomitsu buhat sa Hapón ang kaniyang trabaho, samantalang ang pangangalaga sa kaniyang pamilya ay “pangalawang interes” lamang. Katuwiran niya: “Akala ko mapaliligaya ko ang aking pamilya sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na materyal na mga bagay para sa kanilang kinabukasan.” Nang tanungin siya kung ano ang nagbago ng kaniyang palagay tungkol sa salapi at sa materyal na mga bagay, ang sagot ni Kiyoshi: “Ang mga Kasulatan mula sa Bibliya, gaya ng Kawikaan 23:23, na nagsasabi, ‘Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili ito.’ ”

‘Ngunit,’ tanong mo, ‘paano ako maaaring “bumili ng katotohanan”?’

Ang Halaga ng Kaligayahan

Mangangailangan ito ng ilan sa iyong panahon. ‘Lubusang samantalahin ang tamang-tamang panahon,’ payo ng Kristiyanong apostol na si Pablo, ‘sapagkat ang mga araw ay masasama.’ (Efeso 5:15-17) Ang mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ay magagalak na makipag-usap sa iyo tungkol sa mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, sa isang kombinyenteng panahon sa iyo, at ito ay ganap na walang bayad.

Ikaw ba’y nag-aatubiling ‘mapasangkot’? Kung ikaw ay nag-aatubili, dibdibin ang mga salita ni Jesus: “Maligaya ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila’y bubusugin.” Itinatawag-pansin sa kaniyang mga tagapakinig ang paraan kung paano nila matatamo ang kaligayahan, sabi ni Jesus: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan, sapagkat ang kaharian ng mga langit ay kanila.” (Mateo 5:3, 6) Ang makalangit na pamahalaang ito, ang Kaharian ng Diyos, ang tanging awtoridad na makapagbibigay sa iyo ng iyong “pasaporte sa kaligayahan.”

Anong papel, kung gayon, ang dapat gampanan ng salapi sa iyong buhay? Kawili-wili, ang Bibliya ay nagbibigay ng praktikal na mga tuntunin tungkol dito.

Matalinong Paggamit ng Salapi Ngayon

“Parangalan mo si Jehova ng iyong mga tinatangkilik,” ang payo ng Salita ng Diyos. (Kawikaan 3:9) Kaya, ginagamit niyaong mga umaasa sa Diyos para sa tunay na kaligayahan ang kanilang salapi sa paraan na nakalulugod sa kaniya. Nilalayon nilang paglaanan nang sapat ang materyal na mga pangangailangan ng kanilang pamilya. (1 Timoteo 5:8) Naglalaan sila ng matapat na panustos para sa iba na nauugnay sa kanila sa pananampalataya. At gumagawa rin sila ng kusang-loob na mga abuloy upang suportahan ang gawaing paglalaan ng espirituwal na nakapagpapatibay na impormasyon sa anyo ng mga Bibliya at mga publikasyong salig-Bibliya, gaya ng magasing ito.

Nalalamang aalisin ng Kaharian ng Diyos ang materyalistiko, masakim na komersiyal na mga elemento ng lipunan ng tao, iniiwasan nilang mailihis ng daan sa pagbubuhos ng salapi sa mga pakana na tiyak na mabibigo. (Daniel 2:44) “Kung may pagkain at pananamit,” nasisiyahan na sila sa isang istilo ng buhay na nangangalaga sa mga pangunahing bagay sa buhay.​—1 Timoteo 6:8.

Kaligayahan Ngayon​—Isang Katotohanan

“Isa sa unang bagay na napansin ko nang makilala ko ang mga Saksi ni Jehova,” sabi ni Sue mula sa Inglatera, “ay kung paanong yaong mga namumuhay ayon sa mga simulain ng Bibliya, na lubusang nasasangkot sa kanilang pagsamba, ay waring mayroon ng lahat ng bagay na kailangan nila.” Napansin din ng kaniyang asawa, si John, ang gayong bagay. Sabi niya:

“Dahil lamang sa pagkaalam ng mga katotohanan ng Bibliya kaya nauunawaan ko kung ano ang nangyayari sa karamihan ng mga tao. Ang pinagsusumikapan nila ay lubusang nakasalalay sa salapi. Tinulungan ako ng Bibliya na matutuhan na ang kaligayahan ay hindi dumarating sa gayong paraan. Ngayon ay talos ko na ang kaligayahan ay kakambal na produkto ng paggawa ng mga bagay para sa iba at na hindi ito ang wakas sa ganang sarili.”

Sina John at Sue ay dalawa lamang sa mahigit na tatlong milyong mga Saksi ni Jehova na nagpapatunay sa katotohanan ng pangako ni Jesus na kapag hinahanap muna ang Kaharian ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, ang lahat ng materyal na pangangailangan “ay pawang idaragdag sa inyo.”​—Mateo 6:33.

Hinahanap mo ba ang nakapapawi-ng-uhaw na mga tubig ng katotohanan? Mayaman man o mahirap, ang kaligayahan ay magiging iyo sa pamamagitan ng pagsunod sa makahulang panawagan ng Diyos: “Oh kayo, lahat kayong nauuhaw! Magsiparito kayo sa tubig. At siyang walang salapi! Magsiparito kayo, kayo’y magsibili . . . nang walang salapi at walang bayad.” (Isaias 55:1) Ang alok na ito ay may bisa pa. Samantalahin mo ito habang maaari pa.

[Mga larawan sa pahina 10]

Ang kaligayahan ay buhat sa paggamit ng salapi upang paglaanan ang ating mga pamilya at upang tulungan ang iba

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share