Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 8/8 p. 10-12
  • Paano Ako Makapipili ng Isang Desenteng Pelikula?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ako Makapipili ng Isang Desenteng Pelikula?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Pag-uri​—Isang Di-nagkakamaling Giya?
  • Pagsusuri sa Isang Pelikula
  • Paglabas, Pagpatay
  • Pag-iingat ng Isang Mabuting Budhi
  • Aling mga Pelikula ang Panonoorin Mo?
    Gumising!—2005
  • Mahalaga ba Kung Anong Pelikula ang Pinanonood Ko?
    Gumising!—1990
  • Mula sa Iskrip Tungo sa Pinilakang Tabing
    Gumising!—2005
  • Paano Ako Puwedeng Mag-enjoy?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 8/8 p. 10-12

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Paano Ako Makapipili ng Isang Desenteng Pelikula?

ISANG beteranang artista noong una ang siniping nagsasabi: “Tinatanong ako ng mga tao . . . kung bakit hindi na ako nanonood ng sine ngayon. Napakaraming masasamang pelikula.” Pinili niyang alising lubusan ang panonood ng sine bilang isang libangan.

Gayundin ang palagay ng isang tin-edyer na babae na nagngangalang Denise, subalit iminumungkahi niya ang isang hindi gaanong mahigpit na solusyon. “Wala namang gaanong mapapanood,” sabi niya, “sapagkat karamihan naman nito ay karahasan. Kaya masyado akong mapili sa aking pinanonood.”

Walang alinlangan na ikaw man ay nasisiyahan sa isang pelikula paminsan-minsan. Mauunawaan naman kung hindi mo lubusang tatalikdan ang panonood ng pelikula bilang isang uri ng paglilibang. Ngunit gaya ng ipinakita sa aming naunang labas​—at ang pagtingin sa mga pahina tungkol sa paglilibang ng alinmang pahayagan ay magpapatunay rito—​may mangilan-ngilang pelikula ang ginagawa ngayon na angkop panoorin ng kabataang Kristiyano.a Ito ay hindi dapat ipagwalang-bahala, sapagkat ang mga pelikulang iyong pinanonood ay nagpapabanaag ng mga pamantayang pinahahalagahan mo. Malaki ang sinasabi nito tungkol sa uri ng kasama na kinalulugdan mo, ang klase ng wika na pinapayagan mo, ang seksuwal na asal na sinusunod mo.

Tayo ay hinihimok ng Bibliya na “kapootan ang masama.” (Awit 97:10) Magagawa mo bang kapootan ang masama kung regular na pinanonood mo ang satanikong mga pelikulang nagbabadya ng pagdanak ng dugo, paglumpo at pagpinsala sa katawan, at karahasan, o detalyadong pagtatanghal ng imoralidad sa sekso? Maliwanag na hindi. Ang kabataang tunay na nagpapahalaga sa maka-Diyos na mga simulain ay sinusunod ang payo ng Bibliya sa Filipos 4:8: “Katapus-tapusan, mga kapatid, anumang bagay ang totoo, anumang bagay ang karapat-dapat pag-isipan, anumang bagay ang matuwid, anumang bagay ang malinis, anumang bagay ang kaibig-ibig, anumang bagay ang may mabuting ulat, kung may anumang kagalingan at kung may anumang kapurihan, patuloy na pag-isipan ninyo ang mga bagay na ito.” Hindi naman ibig sabihin nito na lalayuan mo na ang lahat ng pelikula, kundi nangangahulugan ito na dapat kang maging mapili sa kung ano ang pinanonood mo. Paano mo magagawa ito?

Mga Pag-uri​—Isang Di-nagkakamaling Giya?

Sa Estados Unidos, ang mga pelikula ay inuuri ayon sa mga pamantayang itinatakda ng Motion Picture Association of America. Isang simbolong letra ang nagpapahiwatig kung ang pelikula ay angkop sa panonood ng panlahat ng publiko, kung kinakailangan ang patnubay ng magulang, o kung ito ay para lamang sa mga adulto. Karaniwang ang saligan sa pag-uuri ng pelikula ay kung paano nito pinakikitunguhan ang sekso at karahasan, pag-abuso sa alak at droga, mahalay na pananalita, at mga katulad nito.

Bagaman ang gayong mga sistema ng pag-uuri ay totoong may depekto, at kadalasa’y pabagu-bago, ang mga ito’y nagbibigay sa mga manonood ng ilang ideya tungkol sa nilalaman ng isang pelikula at kung ito baga ay angkop o di-angkop na panoorin. Kung ang kahawig na sistema ay umiiral sa inyong bansa, tiyak na masusumpungan mo itong nakatutulong. Maaari ring gamitin ng iyong mga magulang ang mga pag-uuri sa pagtatakda ng mga panuntunan tungkol sa kung aling pelikula ang maaaring panoorin.

Gayunman, ang mga pag-uuri ay maaaring makaligaw. Tandaan: Ang mga nag-uuri sa pelikula ay maaaring hindi nagtataguyod na mga pamantayang salig-Bibliya. At palibhasa’y sumasamâ ang pamantayang asal ng daigdig, maraming pelikula na ipinalalagay na nakasisindak mga ilang taon lamang ang nakalipas ay inaakalang puwede na para sa pangkalahatang manonood.

Napatunayan ito ng kabataang si DeMarlo nang manood siya ng isang pelikulang inaakala niyang may kanais-nais na pag-uuri. Ito ay punô ng “murahan at karahasan.” Kaya bagaman ang inilathalang mga pag-uuri ay maaaring nakatutulong, hindi ito dapat na maging siyang tanging batayan sa pagpapasiya ng kung ano ang panonoorin. Ang Bibliya ay nagbababala: “Ang walang karanasan ay naniniwala sa bawat salita, ngunit ang pantas ay nagpapakaingat sa kaniyang paglakad.”​—Kawikaan 14:15.

Pagsusuri sa Isang Pelikula

Ano ang iba pang panuntunan na magagamit mo? Ang mga rebista at mga anunsiyo ng pelikula ay magagamit mo rin upang bigyan ka ng ilang ideya tungkol sa nilalaman ng isang pelikula. Subalit minsan pa, kailangan ang pag-iingat. Ipinababanaag lamang ng rebista ng isang pelikula ang opinyon ng iba. At maaaring sadyang ikinukubli ng isang anunsiyo ang bagay na ang isang pelikula ay may pangit na mga eksena.

Isang tin-edyer na nagngangalang Connie ang nagsasabi: “Nasumpungan ko na ang pagkilala sa pangunahing mga artista sa pelikula ay karaniwang nagbibigay sa iyo ng ilang ideya kung anong klase ng pelikula ito.” Malalaman ng mga kaedad na Kristiyano na may mga pamantayang salig-Bibliya na tulad mo kung ang isang pelikula ay kanais-nais. At ang manedyer sa sinehan o ang takilyera ay maaari ring magbigay ng matapat na impormasyon. Gayunman, karaniwan na, mahilig na sabihin ng mga tao kung ano ang nagustuhan nila sa isang pelikula. Bakit hindi tanungin kung ano ang masama tungkol dito. Maging espisipiko. Magtanong kung may mga eksena ba ng madugong karahasan, maliwanag na sekso, o demonismo.

Ang iyong mga magulang ay maaari ring maging mabuting pinagmumulan ng payo. Sabi ng kabataang si Vanessa: “Sumasangguni ako sa aking mga magulang. Kung inaakala nilang ayos lang sa akin na panoorin ito, pinanonood ko ito.”

Kapit din ito sa pag-arkila ng mga videotape. Karagdagan pa, suriing mabuti ang kahon o ang pabalat. May anumang bagay ba tungkol sa mga ilustrasyon at mga salita na nagpapahiwatig na ang pelikula ay di kanais-nais? Kung gayon isauli mo ito! Makatutulong din na kausapin ang isang kawani ng tindahan na nakapanood na ng pelikula. Ang Kawikaan 14:16 ay nagsasabi: “Ang pantas ay maingat at tumatalikod sa kasamaan; ngunit ang mangmang ay pabaya at bumabagsak na una ang ulo.”​—The New English Bible.

Paglabas, Pagpatay

Gayunman, ano naman kung naarkila mo na ang isang videotape at nasumpungan na ang nilalaman nito ay hindi kanais-nais? Simple lang ang solusyon: Patayin mo ito! Maaaring hindi ito madali. Maaaring masumpungan mo ang iyong sarili na emosyonal na nasasangkot sa istorya o sa mga tauhan. Baka maging mausyoso ka kung paano magwawakas ang pelikula. Subalit ang pagtalikod mo sa kasamaan ay maliwanag na siyang pinakamatalinong dapat gawin.​—Ihambing ang Mateo 5:​29, 30.

Ang kalagayan ay maaari pang maging medyo emosyonal kung ikaw ay nasa isang sinehan na kasama ng mga kaibigan at ang isang pelikula ay naging pangit. Nakaharap ng isang tin-edyer na nagngangalang Joseph ang mismong kalagayang ito. Ang anunsiyo sa isang pelikula kamakailan ay nagsasabi na ito ay isang pelikulang “dapat panoorin.” Gayunman, gunita ni Joseph: “Sa loob pa lamang ng limang minuto may tatlong eksena ng karahasan at paghuhubo’t hubad.” Magalang na sinabi ni Joseph sa kaniyang mga kaibigan ang kaniyang mga intensiyon at siya ay lumabas. Nasumpungan ba niya itong nakahihiya? Sabi ni Joseph: “Hindi, hindi naman. Inisip ko muna si Jehova at ang pagbibigay-lugod sa kaniya.”

Totoo, ang panggigipit ng mga kaedad laban sa pagkuha ng gayong paninindigan ay maaaring maging malakas. Ang panggigipit ay maaaring manggaling pa nga mula sa mga kabataang pinalaki ng mga magulang na Kristiyano, subalit ang mga kabataang iyon ay hinayaan ang kanilang mga budhi na maging manhid sa pamamagitan ng panonood ng napakaraming kahina-hinalang mga pelikula. (1 Timoteo 4:2) Maaaring paratangan ka nila ng pagiging di-timbang o masyadong matuwid. Subalit sa halip na padaig sa panggigipit ng mga kaedad, “magkaroon ng isang mabuting budhi.” (1 Pedro 3:16) Ang mahalaga ay hindi kung ano ang palagay sa iyo ng iyong mga kaedad kundi kung ano ang palagay sa iyo ni Jehova! At kung ikaw ay nililigalig ng iyong mga kaibigan dahil sa pagsunod mo sa iyong budhi, panahon na upang humanap ng ilang bagong kaibigan. (Kawikaan 13:20) Ikaw ang ultimong katiwala ng iyong mata, tainga, at ng makasagisag na puso.​—Ihambing ang Job 12:11; 31:1; Kawikaan 4:23.

Pag-iingat ng Isang Mabuting Budhi

Ang kabataang si Georgia ay mahilig manood ng mga pelikulang ipinagbabawal sa kaniyang edad. Gayunman, sa paglipas ng panahon, siya ay nagnais na magkaroon ng mabuting kaugnayan sa Diyos. Inihinto niya ang panonood ng kahina-hinalang mga pelikula at nakasumpong siya ng ibang nakatutuwang bagay na gagawin na kasama ng kaniyang mga kaibigang Kristiyano. Sabi ni Georgia: “Hindi na ako pinahihirapan ng aking budhi. At ngayon talagang nakatutulog ako sapagkat talagang malinis ang aking budhi.”

Nais mo bang maging malinis sa paningnin ng Tagasuri ng mga puso, ang Diyos na Jehova? (Kawikaan 17:3) Kung gayon maging maingat sa kung ano ang ipinapasok mo sa iyong puso. Iwasan ang di-kinakailangang paglalantad ng iyong sarili sa kalabisang karahasan, sa pagsasamantala sa sekso, o sa maruming pananalita; papupurulin lamang nito ang iyong pagkadama ng tama at pasamain ang iyong puso. Maging gaya ng salmista na nanalangin: “Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan.”​—Awit 119:37.

Sa pagiging maingat at mapamili, hindi mo lamang pinangangalagaan ang iyong sarili mula sa nakapipinsalang mga impluwensiya kundi maaari mo ring tamasahin ang “malinis na budhi” na binabanggit ni Georgia. At hindi matutumbasan ng anumang “Hollywood special effects” ang damdaming iyon!

[Talababa]

a Tingnan ang artikulong “Mahalaga ba kung Anong Pelikula ang Pinanonood Ko?” na lumilitaw sa Hulyo 22, 1990, na labas ng Gumising!

[Blurb sa pahina 11]

Maraming pelikula ang nakasisindak mga ilang taong nakalipas ang ngayo’y ipinalalagay na kanais-nais

[Larawan sa pahina 10]

Malalaman ng iyong mga magulang kung ang isang inianunsiyong pelikula ay masama

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share