Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/03 p. 1
  • Paghanap sa mga Karapat-dapat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paghanap sa mga Karapat-dapat
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Subukan ang Pagpapatotoo sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Matagumpay na Pagpapatotoo sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Nasubukan Mo Na Ba ang Pagpapatotoo sa Gabi?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Makikinabang Ka ba Kung Mayroon Kang Personal na Teritoryo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 12/03 p. 1

Paghanap sa mga Karapat-dapat

1 Isang hamon sa atin na tuparin ang mga tagubilin ni Jesus hinggil sa gawaing pangangaral. Sinabi niya: “Sa anumang lunsod o nayon kayo pumasok, hanapin ninyo kung sino roon ang karapat-dapat.” (Mat. 10:11) Yamang paunti na nang paunti ang ginugugol na panahon ng mga tao sa kanilang tahanan, paano natin mabisang magagawa ang paghahanap na ito?

2 Suriin ang Inyong Teritoryo: Una sa lahat, suriin ang inyong teritoryo. Kailan malamang na nasa bahay ang mga tao? Saan sila makikita sa araw? Mayroon bang partikular na araw o oras na maaaring mas handa silang tumanggap ng pagdalaw? Makatutulong sa iyo na matamo ang pinakamaiinam na resulta kung ibabagay mo ang iyong ministeryo sa rutin at mga kalagayan ng mga tao sa lokal na teritoryo.​—1 Cor. 9:​23, 26.

3 Maraming mamamahayag ang naging matagumpay sa dapit-hapon. Ang ilang may-bahay ay mas relaks at mas nakahandang makinig sa oras na iyon. Kapag umuulan at hindi ka makalabas dahil sa baha, maaaring maging mabisa ang pagpapatotoo sa telepono o pagsulat ng mga liham. Ang paggawa sa lugar ng negosyo at pagpapatotoo sa pampublikong mga lugar ay mga paraan din upang maipaabot sa mga tao ang mabuting balita.

4 Noong buwan ng pantanging gawain, isang kongregasyon ang nagsaayos ng pagpapatotoo sa dapit-hapon tuwing Sabado at Linggo at sa gabi tuwing Miyerkules at Biyernes. Nag-organisa rin sila ng pagpapatotoo sa telepono at nagsaayos na gumawa sa lugar ng negosyo. Ang mga kaayusang ito ay pumukaw ng labis na pananabik sa ministeryo anupat nagpasiya ang kongregasyon na ipagpatuloy ang mga kaayusang ito.

5 Masikap na Dumalaw Muli: Kung isang hamon sa inyong teritoryo na makasumpong ng mga tao sa tahanan kapag dumadalaw kang muli, sikapin mong gumawa ng espesipikong kaayusan para dumalaw muli sa pagtatapos ng bawat pagdalaw, kasama na ang unang pagdalaw. Pagkatapos, tiyakin mong tutupad ka sa usapan. (Mat. 5:37) Kung angkop, maaari mong tanungin ang numero ng telepono ng may-bahay. Makatutulong din ito sa iyo na makausap muli ang taong iyon.

6 Ang ating puspusang pagsisikap na hanapin ang mga karapat-dapat at linangin ang interes na nasusumpungan natin ay tiyak na pagpapalain ni Jehova.​—Kaw. 21:5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share