Ang mga Tradisyon sa Relihiyon at ang Bibliya
“NIWAWALANG-KABULUHAN ninyo ang salita ng Diyos dahil sa inyong tradisyon.” Ito ay mga salita ng walang iba kundi si Jesu-Kristo. (Marcos 7:13) Katulad ng maraming tao sa ngayon, ang mga Judio noong kaarawan ni Jesus ay mahigpit ang kapit sa masalimuot na sistema ng mga alituntunin at mga kaugalian. At katulad ng marami sa mga klerigo sa ngayon, ang mga tradisyong ito ang itinuturing ng kanilang mga pinuno sa relihiyon bilang lalong mahalaga kaysa sa Bibliya.
Bilang halimbawa: Tiyak na ipinag-uutos ng Salita ng Diyos na igagalang ng mga anak ang kanilang mga magulang. (Exodo 20:12) Maliwanag na kasali rito ang pagtulong sa mga magulang na napapaharap sa paghihikahos. Subalit, isang tradisyong Judio ang nauso na naglalaan ng isang kumbinyenteng paraan upang maiwasan ang obligasyong ito na iniuutos ng Bibliya. Ang isang mapag-imbot na tao ay walang gagawin kundi ipangako na sa dakong huli ang kaniyang personal na ari-arian ay ibibigay na donasyon sa templo, anupa’t itinatabi ang ari-arian at sasabihing iyon ay “corban.” Ang ibig sabihin ng salitang ito ay “isang regalo na nakaalay sa Diyos.” Bagaman ang mananambang Judio ay maliwanag na malayang magpatuloy na gamitin ang corban na ito para sa kaniyang sariling personal na kapakinabangan, maaaring ipagkait niya ito sa kaniyang mga magulang dahil sa kaniyang naipangako na ito.—Marcos 7:9-12.
Datapuwat, hinamon ito ni Jesus at ang mga ibang ‘sagradong tradisyon,’ na ang sabi: “Kayong mga mapagpaimbabaw, angkop ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyo, nang kaniyang sabihin, ‘Ang bayang ito’y pinararangalan ako ng kanilang mga labi, datapuwat ang kanilang puso ay malayung-malayo sa akin. Walang kabuluhan ang kanilang patuloy na pagsamba sa akin, sapagkat sila’y nagtuturo ng mga utos ng mga tao bilang mga doktrina.’”—Mateo 15:3-9.
Sa liwanag ng sinabi ni Jesus, ang anumang tradisyon sa relihiyon ay maaari kayang tunay na ituring ng isang Kristiyano bilang kapantay ng Bibliya? Hindi. Gaano man ang sentimiyento o emosyon na kaugnay ng isang kaugalian, ang dapat pag-isipan ng isang Kristiyano ay kung kasuwato iyon ng Salita ng Diyos o hindi. Bilang isang halimbawa, isaalang-alang ang ilang tradisyonal na mga gawaing relihiyoso na ipinaliliwanag kung ano iyon sa Katolikong aklat na Liturgy—An Elementary Course, isinulat ni Maria A. Lombillo Clark, T.D. Paanong ang mga tradisyong ito ay maihahambing sa aktuwal na sinasabi ng Bibliya?
[Kahon]
LITURHIYA SALITA NG DIYOS
“Aming ipinakikilala ang “Mumunting mga anak,
pagsamba namin sa Diyos sa mag-ingat kayo sa mga
pamamagitan ng mga gawang diyus-diyosan.”—1 Juan 5:21.
relihiyoso.” “Ang Diyos ay isang Espiritu,
at yaong mga sumasamba sa
kaniya ay kinakailangang
sumamba sa kaniya sa espiritu
katotohanan.”—Juan 4:24.
“Nagsisilakad kami sa
pamamagitan ng pananampalataya,
hindi sa pamamagitan ng
paningin.”—2 Corinto 5:7.
“Ako’y si Jehova. Iyan ang
aking pangalan; at sa kaninuman
ay hindi ko ibibigay ang aking
sariling kaluwalhatian, ni ang
kapurihan ko man sa mga
inanyuang imahen.”—Isaias 42:8.
“Dapat tayong maghandog ng “Huwag kang gagawa para sa iyo
mga gawang relihiyoso sa ng larawang inanyuan o ng
Kataastaasang Banal na kawangis man ng anumang anyong
Birheng Maria, sa mga anghel, nasa langit sa itaas o nasa
at sa mga santo. Subalitat lupa . . . Huwag mong yuyukuran
[ang gayong] relihiyosong mga sila o mahihikayat ka mang
gawang pagsamba... ay sa maglingkod sa kanila.”
katapus-tapusan sumasapit sa —Exodo 20:4, 5.
Diyos, sa katulad na paraan na “Akong si Juan . . . ay
ang isang hari ay napararangalan nagpatirapa upang sumamba sa
pagka ang kaniyang mga ministro harap ng mga paa ng anghel
ay pinarangalan.” . . . ngunit sinabi niya sa
akin: ‘Mag-ingat ka! Huwag mong
gawin iyan!. . . Ang Diyos ang
sambahin mo.’ ”
“May isang Diyos, at isang
tagapamagitan sa Diyos at sa
mga tao, isang tao, si Kristo
Jesus.”—1 Timoteo 2:5.
“Ang Krusipiho ay hindi “Ang Diyos na gumawa ng
maihihiwalay sa dambana; sanlibutan at ang lahat ng
kung wala ito ay hindi maaaring bagay na naririto, Siya,
selebrahin ang banal na Misa. palibhasa’y panginoon ng langit
Tatlong damit sa dambana, at ng lupa ay hindi tumatahan
dalawang kandelabra, at ang sa gawang-kamay ng mga
sakramentong mga tableta ay templo.”—Gawa 17:24.
kailangan din.” “Aming ipinapako ang aming mga
mata, hindi sa mga bagay na
nakikita, kundi sa mga bagay na
di-nakikita.”—2 Corinto 4:18.
“Nobyembre 1 . . . ang “Ang mga patay mismo ay hindi
selebrasyon ng Todos-Los- pumupuri kay Jah, ni sinumang
Santos. Ito ang Sagradong bumababa sa katahimikan.”
Araw ng lahat ng kaluluwa na —Awit 115:17.
namumuhay nang maligaya sa “Wala nang nalalamang
langit, at ang isang araw na anuman ang mga patay.”
iyan ay magiging atin.” —Eclesiastes 9:5,
Revised Standard Version
Common Bible.
“Bawat kaluluwa na hindi
makikinig sa propetang iyon ay
lilipulin.” —Gawa 3:23,
Douay Version.
“Upang matulungan ang mga “Ni mayroon mang gawa, o
kaluluwang ito [ang Simbahan] dahilan, o karunungan,
ay nagtatag ng ‘Pag-aalaala sa o kaalaman, sa impiyerno,
tapat na mga nangamatay’ kung na pinaparoonan mong mabilis.”
ika-2 ng Nobyembre. Sa araw na —Eclesiastes 9:10,
ito ang mga pari ay nagdiriwang Douay Version.
ng Misa ng tatlong beses upang “Huwag mong ilagak [sa tao]
mahango buhat sa mga paghihirap . . . ang iyong pagtitiwala;
ang pinagpalang mga kaluluwang siya’y babalik sa kaniyang
ito sa purgatoryo at pabilisin pagkalupa: sa araw na iyon ay
ang kanilang pagpasok sa langit.” mawawala ang lahat ng kaniyang
“Sa katapus-tapusang pagsusuri, pag-iisip.”—Awit 145:2-4,
ang doktrinang Katoliko tungkol Douay Version.
sa purgatoryo ay batay sa
tradisyon, hindi sa Banal na
Kasulatan.”—New Catholic
Encyclopedia, Tomo 11,
pahina 1034.
Nakalaya Buhat sa Nakapipinsalang mga Tradisyon
Maraming popular na mga tradisyong relihiyoso ang samakatuwid hindi nakalulugod sa Diyos at sa gayo’y nakapipinsala. Gayunman, kapuna-puna na isinulat ni apostol Pablo: “Ngayon ay pinupuri ko kayo sapagkat sa lahat ng bagay. . . kayo ay nanghahawakang mahigpit sa mga tradisyon ayon sa ibinigay ko sa inyo.” (1 Corinto 11:2) Datapuwat ang mga tradisyong ito ay mabubuti, na kapaki-pakinabang na mga gawang nakasalig sa Salita ng Diyos-hindi walang kabuluhang, gawang-taong mga rituwal. Ang mga ito ay kahalili ng “walang kabuluhang anyo ng pamumuhay na tinanggap sa pamamagitan ng tradisyon” na sinusunod ng maraming tao noong unang siglo bago naging mga Kristiyano.—1 Pedro 1:18.
Gayundin naman sa ngayon, ang isang taong may takot sa Diyos ay kailangang magsuri at tanggihan ang anumang tradisyon na labag sa Kasulatan. Tiyak, na ang relasyon ng isang tao sa Diyos ay makapupong mahalaga kaysa anumang gawang-taong anyo ng pagsamba! Mangyari pa, ang pagtanggi sa mga tradisyong labag sa Kasulatan ay hindi madali sa anumang paraan. Malimit ay kailangan na gumawa ng mga pagbabago sa malaon nang sinusunod na mga sistema ng pamumuhay. Isang binata sa Colombia, halimbawa, ang babad na ng pagsunod sa tradisyong relihiyoso. Sapol sa pagkabata ay mapusok ang kaniyang hangarin na maging isang paring Katoliko. Malimit na siya’y nagkukunwaring ‘gumaganap ng Misa’ sa pakikipaglaro sa kaniyang mga kapatid na babae, at tumatanggap pa man din ng kanilang “mga pangungumpisal.” Makalipas ang mga ilang taon siya ay nakapasok sa isang paaralan na inihahanda ang mga mag-aaral sa pagpasok sa seminaryo, at sa wakas ay pumasok siya sa isang pamantasang Katoliko. Doon ay lalong napabaon siya sa mga tradisyong relihiyoso.
Isang araw, isa sa mga Saksi ni Jehova ang dumalaw sa kaniyang tahanan. Bagaman halos ayaw payagan ng kaniyang mga magulang na magsalita ang Saksi, ang kaunting narinig ng relihiyosong binatang ito ay hinangaan niya. Nang malaunan ay isinaayos niya na lihim na makipag-aral ng Bibliya sa Saksing ito. “Ang aking tunay na hangarin,” naaalaala pa niya, “ay ang makaalam ng Bibliya buhat sa isang naiibang punto-de-vista samantalang hindi nagbabago ng aking relihiyon. Ang marubdob na hangarin ko ay maglingkod sa Diyos bilang isang pari, ang gumawa ng mga pagbabago sa mga puso ng mga tao. Pagkatapos na mag-aral ng Bibliya nang may ilang buwan, sa loob ko’y nagkaroon ako ng pag-aalinlangan, sapagkat ang mga tradisyon at mga rituwal ng aking relihiyon ay salungat sa dalisay na mga pamantayan ng Kasulatan.”
Siya’y ginipit ng kaniyang pamilya upang huminto siya ng pag-aaral ng Bibliya, at sa wakas ay napilitan siyang umalis sa kanilang tahanan. Gayumpaman, kaniyang sinasabi: “Pagkaraan ng dalawang buwan ng pag-aaral ng Bibliya ako’y nakumbinsi na ako pala’y may malaking pagkakamali, kaya nilisan ko ang pamantasan at ang aking trabaho bilang isang guro sa isang kolehiyong relihiyoso at naging masigasig ako sa pangangaral sa bahay-bahay. Ngayon ang aking buhay ay nagbago at pati na rin ang aking mga kinaugalian. Nakadama ako ng lalong higit na kaligayahan noong di-malilimot na araw nang sagisagan ko ang aking pag-aalay kay Jehova sa pamamagitan ng bautismo.” Ang binatang ito ay naglilingkod ngayon nang buong-panahon sa pagtulong sa iba upang makalaya sa mga tradisyong lumalapastangan sa Diyos.
Kung ikaw ay isang masugid na deboto ng tradisyong relihiyoso, marahil ay kakailanganin din na gumawa ka ng mga ilang pagbabago. Muling gunitain ang minsa’y sinabi ni Jesus sa babaing Samaritana na nakatagpo niya sa balon. Siya at ang kaniyang mga kababayan ay sumusunod sa pinagkaugalian nang paraan ng pagsamba sa Diyos sa Bundok ng Gerizim. Subalit, ipinakita sa kaniya ni Jesus na ito ay isang walang kabuluhang tradisyon, na ang sabi: “Paniwalaan mo ako, babae, Dumarating ang oras na kahit sa bundok na ito ni sa Jerusalem man ay hindi ninyo sasambahin ang Ama. . . . Sasambahin ng mga tunay na sumasamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat talaga ngang ang mga gayon ang hinahanap ng Ama na sumamba sa kaniya.”—Juan 4:19-23.
Ikaw ba yaong “hinahanap ng Ama”? Ikaw ba ay mayroong maningas na hangaring sumamba sa Diyos sa katotohanan? Kung gayon ay angkop na angkop ang babala ni apostol Pablo sa Colosas 2:8: “Mag-ingat nga kayo na huwag kayong padaya kanino man sa pamamagitan ng kaniyang pamimilosopiya, sa pamamagitan ng kaniyang walang kabuluhang haka-haka na kinuha sa tradisyon ng tao.” (The Holy Bible, Ronald A. Knox) Sa halip, sundin ang mga turo ng tunay na Kristiyanismo, na makaaakay sa iyo sa buhay na walang-hanggan!—Juan 17:3.