Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 4/15 p. 32
  • Tiniyak ang Sapat na Pagkain sa Daigdig—Paano?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tiniyak ang Sapat na Pagkain sa Daigdig—Paano?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 4/15 p. 32

Tiniyak ang Sapat na Pagkain sa Daigdig​—Paano?

“ANG ating pinakamainam na magagawa ay maaaring hindi sapat upang mapanatili ang kasiguruhan sa pagkain na matagal na nating alam sa siglong ito,” ang sabi ni Lester Brown, presidente ng Worldwatch Institute sa Washington, D.C. Ayon sa magasing New Scientist, sa pasimula ng 1995, ang reserbang butil ng daigdig ay bumaba sa kauna-unahang pagkakataon sa 255 milyong tonelada​—sapat upang pakanin ang daigdig sa loob lamang ng 48 araw. Noong nakaraang mga taon nang ang reserba ay bumaba pa sa 60-araw na palugit, ang suplay ay nakabawi. Subalit ngayon ang Worldwatch ay hindi sigurado sa kakayahan ng lupa na makabawi sa naging kakulangan nito.

Pagkatapos ng tatlong taóng mahinang ani at ng pagdami ng mga nagpapaunlad na bansang gumagamit ng butil para ipakain sa hayupan, umunti ang makukuhang butil para sa mga dukha na nangangailangan nito bilang pangunahing pagkain. Nagbibigay-babala ang New Scientist na kung ang situwasyon ay hindi agad pagtutuunan ng pansin, ang isang bilyong tao na gumugugol ng di-kukulangin sa 70 porsiyento ng kanilang kita sa pagkain ay maaaring magsimulang magutom.

Inihula ng Bibliya na ang mga naninirahan sa lupa sa ating panahon ay makararanas ng “mga kakapusan sa pagkain.” (Lucas 21:11) Subalit ang Diyos ay hindi nagwawalang-bahala sa suliranin. Sa katunayan, ang kaniyang pagmamalasakit sa kalagayan ng tao ay makikita sa dakong huli kapag pinamamahalaan na ng kaniyang Kaharian ang mga bagay-bagay sa lupa. Sa panahong iyon “ang lupa mismo ay tiyak na magbibigay ng ani nito.” “Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa; sa taluktok ng mga bundok ay may labis-labis.” (Awit 67:6; 72:16) Kung magkagayon ang makahulang mga salitang ito tungkol sa Maylalang ay matutupad: “Ibinaling mo ang iyong pansin sa lupa, upang iyong pasaganain ito . . . Ang mabababang kapatagan mismo ay nabalutan ng butil.”​—Awit 65:9, 13.

Nakaaakit ba sa iyo ang kamangha-manghang pangakong iyan? Nais mo bang malaman kung paano ka makababahagi dito? Kung gayon ay hilingin sa mga Saksi ni Jehova na sabihin sa iyo ang higit pa tungkol sa ipinangakong Paraisong ito sa susunod na dumalaw sila sa iyong bahay. Kung ibig mong may isang dumalaw sa iyong tahanan upang magdaos sa iyo ng isang walang-bayad na pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 2.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Nakasingit na larawan: Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share