Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rs p. 387-p. 390
  • Sanlibutan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sanlibutan
  • Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Kaparehong Materyal
  • Nasa Sanlibutan Ngunit Hindi Bahagi Nito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Mga Tagapamahala sa Dako ng mga Espiritu
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Para sa Sanlibutan ni Satanas, o Para sa Bagong Kaayusan ng Diyos?
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Ibinunyag Na Kung Sino ang Lihim na Namamahala sa Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
rs p. 387-p. 390

Sanlibutan

Kahulugan: Kapag isinalin mula sa Griyegong salitang kosʹmos, ang “sanlibutan” ay maaaring mangahulugang (1) ang sangkatauhan bilang kabuuan, maging anoman ang kanilang kalagayan sa moral o paraan ng pamumuhay, (2) ang pangkalahatang mga kalakaran ng tao kung saan ang isa’y ipinanganak at namumuhay, o (3) ang karamihan sa sangkatauhang hiwalay sa sinang-ayunang mga lingkod ni Jehova. Ang ilang mga tagapagsalin ng Bibliya ay nakapagbigay ng maling impresyon sa pamamagitan ng paggamit ng “sanlibutan” bilang katumbas ng mga salitang Griyego para sa “lupa,” “tinatahanang lupa,” at “sistema ng mga bagay.” Ang sumusunod na pagtalakay ay pangunahing nagbibigay-pansin sa ikatlo sa mga kahulugan ng “sanlibutan” na ibinigay sa itaas.

Ang sanlibutan ba’y lilipulin ng apoy?

2 Ped. 3:7: “Sa pamamagitan ng salita ring ito [ng Diyos] ang sangkalangitan at ang lupa sa ngayon ay iniingatan sa apoy at itinataan sa araw ng paghuhukom at sa paglipol ng mga taong masama.” (Pansinin na ang “mga taong masama,” hindi ang buong sangkatauhan, ang lilipulin. Tulad din nito, tinutukoy ng 2Ped 3 talatang 6 ang pagpuksa sa “sanlibutan” noong kaarawan ni Noe. Ang mga balakyot ay nalipol, subali’t ang lupa at si Noe at kaniyang sambahayan ay nanatili. Ang “apoy” ba sa darating na araw ng paghuhukom ay magiging literal, o yaon ba’y isang sagisag ng lubos na pagkalipol? Ang literal na apoy ba’y may epekto sa literal na mga bagay sa langit tulad sa napakainit na araw at mga bituin? Para sa karagdagang pagtalakay sa tekstong ito, tingnan ang mga pahina 228-230, sa ilalim ng “Lupa.”)

Kaw. 2:21, 22: “Ang matuwid ang tatahan sa lupa, at ang walang sala ang mamamalagi roon. Nguni’t ang mga balakyot ay lilipulin mula sa lupa; at silang nagsisigawang may karayaan ay bubunutin doon.”

Sino ang namamahala sa sanlibutang ito​—ang Diyos o si Satanas?

Dan. 4:35: “Ginagawa [ng Kataastaasang Diyos, si Jehova] ang ayon sa kaniyang sariling kalooban sa hukbo ng langit at sa mga nananahanan sa lupa. At walang makahahadlang sa kaniyang kamay o makapagsasabi sa kaniya, ‘Anong ginagawa mo?’ ” (Kahawig nito, ang Jeremias 10:6, 7 ay tumutukoy kay Jehova bilang “Hari ng mga bansa” dahil sa siya ang Pinakamataas na Hari na siyang pagsusulitan ng mga haring tao at ng mga bansang pinamamahalaan nila. Bilang Maylikha ng lupa, si Jehova ang tunay na Tagapamahala nito; kailanma’y hindi niya binitiwan ang tungkuling iyon.)

Juan 14:30: “[Sinabi ni Jesus:] Ang pinuno ng sanlibutan ay dumarating. At wala siyang kapangyarihan sa akin.” (Maliwanag na ang pinunong ito ay hindi ang Diyos na Jehova, na laging tapat na sinusunod ni Jesus. Ang “pinuno ng sanlibutan” dito ay maliwanag na tumutukoy sa “balakyot na isa,” si Satanas na Diyablo, sapagka’t “ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan” niya, gaya ng sinabi sa 1 Juan 5:19. Bagama’t tumatahan ang sangkatauhan sa isang planetang pag-aari ng Diyos, ang sanlibutan na hindi binubuo ng masunuring mga lingkod ni Jehova ay nasa ilalim ng pagsupil ng Diyablo sapagka’t siya ang sinusunod ng mga taong ito. Yaong mga buong-pusong nagpapasakop sa pamamahala ni Jehova ay hindi bahagi ng sanlibutang yaon. Ihambing ang 2 Corinto 4:4.)

Apoc. 13:2: “Ibinigay ng dragon [si Satanas na Diyablo] sa hayop ang kaniyang kapangyarihan at kaniyang luklukan at dakilang kapamahalaan.” (Ang paghahambing sa anyo ng “hayop” na ito sa Daniel 7 ay nagpapakitang ito’y kumakatawan sa pamahalaan ng tao, hindi lamang sa isa kundi sa pambuong-globong sistema ng makapolitikang pamamahala. Na si Satanas ang pinuno nito ay sinasang-ayunan ng Lucas 4:5-7, at gayon din ng Apocalipsis 16:14, 16, na bumabanggit ng mga kapahayagan ng mga demonyo na umaakay sa mga pinuno ng buong lupa upang makipagdigma laban sa Diyos sa Armagedon. Ang pamamahala ni Satanas sa sanlibutan ay pansamantala lamang pinahihintulutan ng Diyos hanggang sa pagdating ng Kaniyang itinakdang panahon upang lutasin ang isyu ng pansansinukob na kapamahalaan.)

Apoc. 11:15: “May malalakas na tinig sa langit, na nagsasabi: ‘Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon [si Jehova] at ng kaniyang Kristo.’ ” (Nang maganap ito noong 1914, “ang mga huling araw” ng kasalukuyang masamang sistema ay nagsimula. Isang bagong kapahayagan ng kapamahalaan ni Jehova ang lumitaw, sa pamamagitan ngayon ng kaniyang sariling Anak bilang Mesiyanikong Tagapamahala. Malapit nang lipulin ang masamang sanlibutan, at si Satanas, ang masamang espiritung pinuno nito, ay ibubulid sa kalaliman, sa gayo’y wala na siyang kapangyarihan sa sangkatauhan.)

Ano ang pangmalas ng mga tunay na Kristiyano sa sanlibutan at sa mga taong bahagi ng sanlibutan?

Juan 15:19: “Kayo’y [mga tagasunod ni Jesus] hindi bahagi ng sanlibutan, kundi kayo’y hinirang ko sa sanlibutan.” (Kaya ang mga tunay na Kristiyano ay hindi bahagi ng karamihan sa lipunan ng tao na hiwalay sa Diyos. Inaasikaso nila ang pang-araw-araw na pangangailangan ng tao, nguni’t kanilang iwinawaksi ang mga saloobin, ang pagsasalita, at ang paggawi ng sanlibutang ito na sumasalungat sa matuwid na mga daan ni Jehova.) (Tingnan ang mga pahina 247-254, gayundin ang 162-166.)

Sant. 4:4: “Mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Sinoman ngang mag-ibig na maging kaibigan ng sanlibutan ay ginagawa ang kaniyang sarili na isang kaaway ng Diyos.” (Palibhasa’y di-sakdal ang mga Kristiyano, kung minsan ay maaari silang mabahiran dahil sa pakikipag-ugnayan nila sa sanlibutan. Nguni’t kapag pinayuhan mula sa Salita ng Diyos, sila’y nagsisisi at itinutuwid ang kanilang mga lakad. Subali’t, kung ang ilan ay sadyang makikipagkaibigan sa sanlibutan o gagaya sa espiritu nito, ipinakikita nila na hindi na sila tunay na Kristiyano kundi naging bahagi ng sanlibutang nakikipag-away sa Diyos.)

Roma 13:1: “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan, sapagka’t walang kapangyarihan maliban sa Diyos; ang umiiral na mga kapangyarihan ay nakatayo sa kani-kanilang mga dako dahil sa Diyos.” (Yaong mga sumusunod sa payong ito ay hindi mga rebelde, na may tangkang ibagsak ang mga gobyerno ng sanlibutan. Nagpapasakop sila sa autoridad ng mga makapolitikang pinuno, at sinusunod nila hangga’t ang kahilingan ng mga ito ay hindi lumalabag sa mga kahilingan ng Diyos. Ang gayong mga pamahalaan ay pati-unang inihula ng Diyos. May kapangyarihan sila, hindi dahil sa siya ang nagbigay-karapatan, kundi dahil sa kapahintulutan niya. Sa kaniyang takdang panahon kaniya ring aalisin ang mga ito.)

Gal. 6:10: “Kaya nga, samantalang tayo’y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, nguni’t lalong lalo na sa mga kasambahay sa pananampalataya.” (Kaya, hindi ikinakait ng mga tunay na Kristiyano ang mabuti sa kanilang kapuwa-tao. Tinutularan nila ang Diyos, na pinasisikat ang araw kapuwa sa masasama at sa mabubuti.​—Mat. 5:43-48.)

Mat. 5:14-16: “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. . . . Pasikatin ang inyong liwanag sa harap ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at kanilang luluwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.” (Kung luluwalhatiin ng iba ang Diyos dahil sa ginagawa ng mga Kristiyano, maliwanag na ang mga Kristiyano ay nararapat na maging aktibong mga saksi sa sanlibutan tungkol sa pangalan at layunin ng Diyos. Ang gawaing ito ang pangunahing binibigyang pansin ng mga tunay na Kristiyano.)

Ano ang kahulugan ng kasalukuyang mga kalagayan sa daigdig?

Tingnan ang pamagat na “Mga Huling Araw.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share