PAGGIGIIT NG SARILI
Ang terminong Griego na isinalin bilang “mapaggiit ng sarili” (Tit 1:7; 2Pe 2:10, AS, KJ, NW) ay literal na nangangahulugang “mapagpalugod sa sarili” at “tumutukoy sa isa na may-kapalaluang naggigiit ng kaniyang sariling kalooban, palibhasa’y pinangingibabawan siya ng pansariling interes at wala siyang konsiderasyon sa iba.” (Vine’s Expository Dictionary of Old and New Testament Words, 1981, Tomo 3, p. 342) Samakatuwid, ang paggigiit ng sarili ay isang katangiang salungat sa diwa ng Kristiyanismo. Lalung-lalo nang hindi ito dapat makita sa mga tagapangasiwang Kristiyano. (Tit 1:5, 7) Ang mga indibiduwal na humiwalay sa wastong paggawing Kristiyano ay inilarawan ng apostol na si Pedro bilang “mapusok” at “mapaggiit ng sarili.”—2Pe 2:10.