Ang mga Kabataan ay Nagtatanong
Paano Ko Mae-enjoy ang Pag-aaral ng Bibliya?
Bakit ba kailangang pag-aralan ang Bibliya? Pag-isipan ito:
Makasusumpong ka ng kayamanan mula sa Bibliya. Ang pinakamabiling aklat na ito ay makatutulong sa iyo na
● Magkaroon ng pinakamaligayang buhay na posible
● Malaman ang mga bagay tungkol sa hinaharap—at sa nakaraan—na hindi mo malalaman sa ibang paraan
● Makilala ang iyong sarili at maging mas mabuting taoa
KAILANGAN ang pagsisikap para pag-aralan ang Bibliya, pero sulit na sulit ito! Gusto mo bang malaman kung paano ito ginagawa ng ilang kabataan? Gupitin at itupi ang kasunod na pahina. Mababasa sa apat na pahinang iyan kung paano napagtatagumpayan ng ilang kabataan ang mga hadlang sa personal na pag-aaral ng Bibliya at kung paano sila nakikinabang dito.
“May maitutulong ang Bibliya sa lahat. Napakaraming puwedeng pag-aralan!”—Valerie.b
Mas marami pang artikulo mula sa seryeng “Young People Ask” ang mababasa sa Web site na www.watchtower.org/ype
[Mga talababa]
a Para higit pang malaman kung paano magagawa sa iyo ng Bibliya ang lahat ng iyan, makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, sumulat sa angkop na adres na nasa pahina 5, o pumunta sa aming Web site na www.watchtower.org.
b Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito.
[Kahon/Mga larawan sa pahina 19, 20]
KUNG PAANO MAG-AARAL NG BIBLIYA
Ang problema: WALANG INTERES
“Hindi yata ako mag-e-enjoy na umupo nang isang oras para mag-aral.”—Lena.
Ang kailangan mo: PANGGANYAK
Para ma-enjoy ang pag-aaral ng Bibliya, kailangan mong masagot ang tanong na, Ano ang mapapakinabang ko rito? Gusto mo bang maging kaibigan ng Diyos? mas maintindihan ang mga nangyayari sa daigdig? pasulungin pa ang personalidad mo? Matutulungan ka ng Bibliya sa mga bagay na iyan—at sa iba pa!
“Kapag nag-aaral ng Bibliya, huwag mong isiping nagtatrabaho ka o nag-aaral sa iskul. Isipin mong paraan ito para mas mápalapít sa pinakadakilang Kaibigan—ang Diyos na Jehova.”—Bethany.
“Ang pag-aaral mo ng Bibliya ay panahon para makasama mo ang Diyos na Jehova. Kung magbibigay ka lang ng panahon sa isa kapag nando’n ang mga magulang mo, kaibigan mo ba talaga siya o kaibigan siya ng mga magulang mo? Kung ikaw mismo ang mag-aaral, magiging kaibigan mo si Jehova.”—Bianca.
Tandaan: “Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay.” (2 Timoteo 3:16, Magandang Balita Biblia) Matutulungan ka rin ng Bibliya sa mga bagay na iyan!
“Lagi kong iniisip ang mga pakinabang. Kung may kailangan akong pasulungin, nalalaman ko ’yon sa pag-aaral ko at nababago ko iyon.”—Max.
Pag-isipan:
Paano ka magiging creative sa pag-aaral?
Ang problema: PAGKAINIP
“Mga 10 minuto pa lang, hindi na ako mapalagay; pagkatapos ng 20 minuto, gusto ko nang huminto; pagkatapos ng 30 minuto, ayoko na talaga!”—Allison.
Ang kailangan mo: MAGING CREATIVE
Gamitin ang iyong imahinasyon pagdating sa kung ano ang pag-aaralan, kung paano mag-aaral, o kung saan mag-aaral.
“Maglaan ng panahon para i-research ang mga tanong mo. Kapag pinag-aralan mo kung ano ang naiisip mo, masisiyahan ka—matutuwa ka pa nga.”—Richard.
“Kapag nagbabasa ka ng isang kuwento, isipin mong naroon ka. Kunwari’y ikaw ang bida o kaya’y nakikita mo ang nangyayari. Paganahin mo ang iyong imahinasyon.”—Steven.
“Gawing nakaka-enjoy ang pag-aaral. Mag-aral ka sa garden at magdala ka ng juice. Gusto kong may meryenda habang nag-aaral. Sino ba naman ang ayaw?”—Alexandra.
Tandaan: Ang pagkainip ay nasa isip lang. Kaya sa halip na sabihing “nakakainip mag-aral,” ang sabihin mo, “naiinip ako.” Baguhin ang pananaw mo. Sa gayon, makokontrol mo ang sitwasyon at magagawan mo ng solusyon.—Kawikaan 2:10, 11.
“Hindi kailangang maging boring ang personal study. Depende lang ’yan sa pananaw mo.”—Vanessa.
Pag-isipan:
Paano ka magiging creative sa pag-aaral?
Ang problema: WALANG PANAHON
“Gusto ko sana ng mas mahabang panahon sa pag-aaral ng Bibliya, pero napaka-busy ko kaya ang hirap humanap ng panahon para umupo at mag-aral!”—Maria.
Ang kailangan mo: PRIYORIDAD
Bahagi ng paghahanda sa pagkaadulto ang matutong ‘tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.’—Filipos 1:10.
“Ipinaunawa sa akin ni Mommy na hindi talaga ako magkakaro’n ng ekstrang panahon. Kailangan kong ayusin ang iskedyul ko. Nang maging interesado na akong mag-aral, isinali ko na ’yon sa iskedyul ko.”—Natanya.
“Habang tumatanda ako, nakikita ko na kailangan kong mag-iskedyul ng panahon sa pag-aaral, at sinusunod ko ’yon anuman ang mangyari.”—Yolanda.
“Kung mag-aaral ka muna bago magrelaks, siguradong mas mag-e-enjoy ka sa pag-aaral—at hindi ka makokonsiyensiya kapag nagrerelaks ka na.”—Diana.
Tandaan: Kung hindi ka magtatakda ng priyoridad, mauubos ang oras mo nang wala kang natatapos. Ikaw ang dapat mag-iskedyul ng panahon mo sa pag-aaral.—Efeso 5:15, 16.
“Estudyante ako sa haiskul, kaya ang dami kong pinagkakaabalahan! Pero tinitiyak kong kasali sa iskedyul ko ang personal na pag-aaral ng Bibliya.”—Jordan.
Pag-isipan:
Ano ang puwede mong maging iskedyul sa pag-aaral?
[Kahon/Mga larawan sa pahina 19]
MGA TIP MULA SA IBANG KABATAAN
Zachary—Hindi naman kailangang gayahin mo kung ano ang pinag-aaralan ng magulang mo o ng iba. Masasabing personal study ’yon kung pag-aaralan mo ang gusto mo talagang matutuhan.
Kaley—Pakonti-konti lang sa umpisa. Kung limang minuto lang ang kaya mo, okey lang basta gawin mo araw-araw. Pagkatapos, puwede mo nang gawing 10 minuto, 15 minuto . . . Sa bandang huli, mae-enjoy mo na ’yon!
Daniela—Nakakatulong din ang mga gamit sa pag-aaral. Maghanda ka ng iba’t ibang kulay ng ballpen at isang magandang notebook, o kaya, gumawa ka ng file sa computer mo at lagyan mo ng label na Personal Study.
Jordan—Kapag ang pinag-aralan ko ay y’ong paksang gusto ko, mas tumatagal ako sa pag-aaral. Kailangan ko rin ang tahimik na lugar. Hindi ako makapag-aral kapag maingay sa paligid.
[Dayagram sa pahina 18]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Gupitin
Itupi