Umaakay sa Pagkakaisa ang mga Pantanging Bahagi ng Kombensiyon
1 “Masdan! Anong pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!” (Awit 133:1) Pagkatapos nating tamasahin ang kasiyahan sa programa ng ating “Banal na Katarungan” na Pandistritong Kombensiyon, ang mga salitang ito ay lalo pang naging makahulugan para sa pambuong daigdig na pagkakapatiran ng bayan ni Jehova.
2 Nang ibinigay ng bawa’t tagapagsalita ang nakapagpapasiglang impormasyon, tayo ay nagagalak na tayo’y naroroon at nakikibahagi. At anong kagalakan na tayo’y kaisa ng napakaraming kapatid sa pagsigaw ng “Oo!” sa matinding resolusyon!
3 Pantangi rin naman ang paglalabas ng dalawang tomong publikasyong pinamagatang Insight on the Scriptures. Kay ganda ng mga larawan sa publikasyong ito! Tunay na pinagkakaisa nito tayo sa pagsasaliksik sa mga paksa ng Bibliya upang tayo ay magsalita nang may pagkakaisa sa talagang kahulugan ng mga Kasulatan!—1 Cor. 1:10.
4 Anong laking sorpresa noong Sabado ng hapon nang ang publikasyong Revelation—Its Grand Climax at Hand! ay inilabas. Ang 320-pahinang aklat na ito ay tutulong sa atin na pagkaisahin ang ating kaisipan sa kahulugan ng makasagisag na mga pananalita sa huling aklat ng Bibliya.
5 Hindi makakalimutan ang kaligayahan nang ilahad ng mga misyonero ang kanilang mga karanasan sa maraming kombensiyon. Anong laki ng ating pagpapahalaga sa mga taon ng matapat nilang paglilingkuran! Sa kabila ng humihinang kalusugan, mga suliranin sa wika, at pagsalangsang, pinalawak nila ang gawaing pangangaral sa malalayong lupain.
6 Tunay na tayo’y pinagpala ni Jehova nang higit kaysa ating inaasahan. Ngayon ay may determinasyon tayo na magpatotoo hinggil sa banal na katarungan sa maraming iba pa.