Awit 216
“Maging Magiliw”
1. Ating Diyos na Jehova’y mayro’ng tunay na paggiliw
Sa humahanap sa kanya!
Dulot ng awa niya ay kagalakang walang maliw;
Sa kanya tayo ay magpapahinga.
2. Ang pag-ibig sa ating kapatid maging matimyas
Sa paglilingkuran natin.
Ang katangian ng Diyos dapat nating ipamalas
Nang kapayapaa’y panatilihin.
3. Bilang mga Kristiyano, tayo’y dapat magmahalan,
Ating damdami’y marubdob.
Ang pagmamalasakit at dangal sa kapatiran
Ay hindi makasisira ng loob.
4. Ang pagiging magiliw tunay nating pagyamanin,
Gaya ng turo ni Jesus.
Kagandahan ng puso’t ang pagkamaunawain,
Bunga ay kagalakang buhat sa Diyos.